Cedric's POV
2 weeks na ang nakakalipas nang makidnap sila sky, at 2weeks nadin ang lumipas hindi ko parin nahuhuli ang mga gumawa nito. Pero hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang mga taong may gawa nito.
"Master, nasaan na po yung pinangako niyong bayad saamin kapag nagawa na namin ang pinapagawa niyong gagawin namin sa tatlong babae" rinig kong salita nang isang lalaki kaya hinanap ko ito at nakarating naman ako sa isang bakanteng upuan, hindi ko kilala ang lalaki pero yung isa si xander yu ang anak na may nang school na 'to. At alam ko na din ang tungkol sakanila ni sky dati
"Fine. Oh ito" sabay abot niya nang nakasobreng pera at agad umalis ang lalaki at saglit akong nagtago sa may upuan
Aalis na sana si xander pero bago pa niya ito ginawa agad kong hinila ang kweldo nang uniform niya at sinandal ito sa may pader at nagkatitigan kami nang masama walang bumibitaw walang gustong magpatalo saamin.
"Ikaw ba? Ikaw ba ang nagpautos na kidnapin at saktan sila sky?!" galit na tanong ko rito habang hindi padin naaalis ang tingin namin sa isa't-isa
"What if, I said yes-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil agad ko siyang sinuntok
"Ano ba kasalanan nang tatlo sayo ah? Umayos ka pare kung ayaw mong mamatay! Walang pwedeng manakit kila sky!" sinuntok ko muli ito
"Hindi ako natatakot sayo! Watch words baka maunhan pa kita haha" halakhak niya kaya binalibag ko siya sa sahig at pumatong ako rito at nagsalubong kami nang tingin
"Wag ako xander! Tigilan mo na sila sky" sigaw ko rito
"Kung ayaw nilang masaktan, tigilan nila si elaine dahil hindi ko na hahayaan na saktan nila ulit ito. Dahil kapag nangyari yun baka mapatay ko na sila" agad niya din akong sinuntok at tinulak
Aalis na sana siya pero muli pa itong humarap saglit at tuluyan nang umalis.
-----------------
Xander's POV
"Saan ka galing?" salubong na tanong saakin ni blake dito sa bsg council
"Bakit may pasa ka? Sinong may gawa nito?" tanong ni zyrus
"May nakaalam na ako ang nagpautos na kidnapin sila sky" sabi ko rito
"Sino?" tanong nila
"Cedric Hyung. I guess siya yung childhood ni sky sa korea" sagot ko sakanila
"How did you know?" tanong ni yuen
"Naririnig ko sa mga studyante dito sa campus" sagot ko
"Patumbahin na ba natin?" tanong ni lance kaya napatingin kami sa kanya
"No. Hayaan na natin siya" sagot ko kaya tumango naman ito
"Cafeteria?" singit ni zyrus
"Mauna na kayo. Hanapin ko lang si elaine" sagot ko sakanila at agad akong lumabas nang council para hanapin si elaine
"We'll wait you there" sigaw nila blake saakin kaya tumingin ako saglit sakanila at tumango
Naglalakad ako sa corridor para hanapin si elaine. Halos ikutin ko na ang campus pero wala padin akong mahanap na elaine dito. Kaya napag-isipan ko na pumunta sa likod nang campus baka nagpapahangin lang ito hindi naman ako nabigo dahil agad ko siyang nakita at may kasama siyang ibang lalaki? Nakita nang dalawa kong mata na hinalikan siya nang lalaki kaya sumugod agad ako at sinuntok ang lalaking kahalikan niya at nagkasalubong naman kami nang tingin
Hinila ko si elaine para umalis na pero pinigilan ito nang lalaki kaya sinamaan ko siya nang tingin.
"What do you want?!" galit kong tanong rito
"Hahaha oh so pathetic men. You didn't know yet? I'm the only boyfriend of elaine castro" sabi nang lalaki
"Then?" Sarcastic kong tanong sa kanya binitawan ako ni elaine at tumabi siya sa lalaki kaya ngumisi ang lalaki
"Haha yes xander. He's my boyfriend in 1year and 8months hahaha actually, ginamit lang naman kita para maging sikat sa stonyhurst university. Iba na ang elaine castro ngayon hindi na tulad dati. Hahaha and thankyou babe ah? Dahil sayo naging sikat ako haha at sinaktan mo pa talaga ang tunay na nagmamahal sayo para lang saakin na niloko ka lang hahaha sad" halakhak niya ngumisi naman ang lalaki saakin
Bago ako umalis lumapit ako sa lalaki at tinignan siya nang masama at sabay suntok ko sa kanya at tuluyan na din akong umalis na iniwan sila dun. 1year ako nagpakatanga kay elaine! Nung nililigawan ko siya may boyfriend pala siya at 8months sila nun. Sinaktan ko sila sky dahil lang sa manlolokong yun! Sumasakit ang dibdib ko dahil sobra akong nasaktan kung kailan ako nagseryoso dun naman ako niloko fuck! Kaya kinuha ko ang bag ko sa council at umuwi na agad.
Maghapon akong nagkulong sa kwarto at uminom lang ng uminom hanggang sa marealize ko kung gaano ako kagago dahil sinaktan ko sila sky na naging barkada ko sa mga sandaling panahon. I'm so stupid! Kaya binato ko ang baso at tuluyang bumagsak ang mga luha sa mata ko.
Dinapuan na din ako nang antok kaya natulog na ako. At bukas ko lang sasabihin sa mga kaibigan ko kung bakit hindi ako pumasok kanina.
Pero bakit si sky ang laging pumapasok sa utak ko? Don't tell me na, may something nanaman ito kay sky? Hays. Ano nanaman ba 'to? Bahala na. At agad na akong natulog dahil sobrang maga na ang mata ko
BINABASA MO ANG
Stonyhurst University(School of Gangster)
JugendliteraturThis Story is all about gangsters. Si sky ay isang ugly bitch. Panget siya pero palaban! But she realize na hindi pwede na ganun nalang ang mukha niya kaya nagpamake-over siya kaya ayun, gumanda siya at ang mga nangbubully sakanya ay hindi makapaniw...