CHAPTER FOUR

528 48 10
                                    


Shine POV

Hindi ko akalain na si Luke ang Stranger na nagtetext sakin. Paano niya nakuha ang number ko? Napapatulala ako sa pag-iisip.

"Shine", tawag niya sa pansin ko.

"ah, sorry, sir",

"Ano ang gusto mo?" tanong niya.

"Ah, kayo na lang po ang bahala", sagot ko.

Umorder na siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

"ah, paano niyo po nakuha ang number ko?"

"Kay Laura, you're the savior of my sister",

'oo nga pala, sinabi sakin ni Laura na may kapatid siyang magiging boyfriend ko daw'

"ah, kayo po ang kapatid ni Laura", patay ako sa mga babae sa school kapag nalaman nila ito. "ah, ok na po ako sa scholarship na binigay ng mga magulang niyo, ok na po ako doon, huwag niyong pakinggan kung ano man ang sinabi ni Laura sa inyo", sabi ko.

"Ano ba ang sinabi niya?" tanong naman niya.

"ah, wala naman, wala",

"Iyun bang magiging girlfriend kita?"

"ah, hindi, hindi",

"Pano yan? Nakilala ka na ng mga magulang ko, ikaw na ngayon ang gf ko", sabi niya.

Hindi ako nakasagot.

Matapos kaming kumain, inihatid niya ako sa bahay na tinutuluyan ko.

Patay ako sa mga fans niya sa school kapag nalaman nila ito. Dapat walang makakaalam na nakilala ko ang isang Luke Vasquez.

"Tawagan kita", sabi niya.

"Ok", sagot at saka lumabas na ako sa kotse niya.

Feeling ko meron na akong bf dahil sa kanya. Ano ba kasi ang ibig niyang sabihin?

Nagpaalam ako sa trabaho para pumunta ng school namin, check ko kung may babayaran pa ako.

"Wala na, fully paid ka Ms. Perez", sabi ng cashier namin.

'talagang binayaran nilang lahat'

"Salamat", sagot ko.

Lalabas na sana ako ng marinig ko ang mga hiyaw ng mga babae. Isa lang ang ibig sabihin, nandito sina Luke. Bigla akong kinabahan, agad akong tumakbo papunta sa may labasan sa likod ng admin. Baka kasi makita niya ako at lapitan pa. kawawa ako sa mga baabeng fans niya dito.

Biglang may nagtext naman siya phone ko.

From: Stranger

Where are you?

Hala, ako talaga ang pinuntahan niya dito. Nagpaalam naman ako ah, babalik na lang ako sa opisina. Pa-exit na ako ng makasalubong ko ang bruhang si Via.

"Oh, nandito ka pa"

"Bakit? Hindi naman ako masususpend sa isang love letter lang", sagot ko.

"You don't deserve to be in this school", sabi niya.

"Bakit ikaw, deserve mo ba?", banat ko naman sa kanya.

Bigla niyang inagaw ang cp ko at saka tinapak-tapakan.

"Iyan deserve mo", at saka iniwan na niya ako.

Pinulot ko ang cp kong sinira niya. bumalik na ako sa opisina namin,

MayWard Presents: You're My DNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon