Shine POV
Masaya ako at nagkaayos na kami ni Kisses. Pero hindi na niya pinapansin si Donny. Nahihiya daw siyang harapin siya kaya mas minabuti na lang niyang iwasan siya.
"Mahal na mahal ka ni Luke, noh", sambit niya habang nakatingin kay Luke na kinakausap si ate Laura.
Napangiti na lang ako.
"Ano ang makakapag-away sa inyo?" bigla niyang tanong.
"Grabe siya, parang gusto mo kaming pag-awayin ah",
"Natanong ko lang, mukha kasing hindi na kayo maghihiwalay".
"So, paghihiwalayin mo kami, ganun",
"Hindi porket, wala akong lovelife, gagawin ko yan, hoy, supportive bestfriend to, hoy, tinanung ko lang yun para maging handa ako kapag umiiyak ka na dahil sa kanya", sabi niya.
Bigla akong napatingin kay Luke na masyang nakikipagtawanan kay Ate Laura.
"Siguro, kapag nasira na yung tiwala ko sa kanya, at baka ganun din siya sakin",
"Kaya dapat, ingatan niyo iyun,at sana hindi dumating ang araw na iyun", sabi niya.
.
.
.
.
.
.
Nasa biyahe kami ni Luke pabalik sa opisina niya. May nakalimutan daw siyang importanteng bagay.
"Hintayin mo na lang ako dito, mablis lang ako", bilin niya sakin.
May ilang minute rin bago siya nakabalik. Parang may ibang aura na siya ngayon. Parang may nangyari sa kanya sa taas.
"May problema ba?" tanong ko pagkapasok niya ng kotse.
"Wala, saan mo gustong pumunta, maaga pa naman para umuwi diba?" tanong naman niya.
"Kahit saan"
Feeling ko may nangyari talaga sa kanya sa taas. Pinipilit niyang maging ok sa harap ko. Dinala niya ako sa amusement park. Sumakay kami sa mga iba't ibang rides at naglaro. May premyo kaming nakuha na malaking teddy bear.
"It's getting late, let's go home",
"ok"
.
.
.
.
.
.
.
Luke POV
Magandang opportunity sakin ang naghihintay sa amerika. Sinabi sakin ni Cynthia over telepono. Pero kapag sinabi ko kay Shine, baka mag-iisip siya ng mali samin. Kaya maghahanap muna ako ng tamang time para sabihin sa kanya.
I've been working on my presentation these past few days. Wala muna akong pinagsabihan tungkol dito except kay Dad.
Biglang tumunog ang cellphone ko.
From: Cynthia
Do you have time? Can we meet?
To: Cynthia
Let's meet at the cafeteria near to my building.
Tumayo na ako at lumabas ng office. Nakita ko si Shine na busy sa kanyang desk. Hindi ko na lang muna siya nilapitan, at nagtuloy-tuloy akong lumabas.
BINABASA MO ANG
MayWard Presents: You're My DNA
Ficção Geral***based on the K-drama Cheese in the trap ****Shine is just an ordinary girl. She's doing everything just to make sure that she will graduate from college. But her life is hard, being a scholar; she's been bullied in school. But aside from that, s...