CHAPTER ELEVEN

482 36 19
                                    


Shine POV

Sinundo ko si Kisses sa may terminal ng bus. Inimbitahan daw siya ng kababata niya para maging assistant niya. ang nabanggit niya ay isang photographer yung kababata niya, at crush niya. wala siyang matitirhan kaya, papatirahin ko muna siya dito sa apartment ko.

"Kaibigan", tawag niya sakin pagkababa niya ng bus.

Agad ko naman siyang niyakap.

"Namiss kita", sabi ko.

"Ako rin, ah",

"Hatid muna kita sa apartment bago ako bumalik sa opisina, ah wala ka bang pupuntahan?" tanong ko.

"Wala, bukas pa lang dating ni Donny, tambay muna ako sa apartment mo", sabi niya.

.

.

.

Simula ng magkasakit ako, naging mabait na si Riley sakin, at hindi ko alam kung bakit. Dahil siya ang naka-assign sakin, palagi kaming magkasama.

"Oy, Sparkle, halika", at lagi niya akong tinatawag na sparkle. Linapitan ko naman siya. "test mo nga ito kung ok ang graphic niya", at binigay niya sakin ang isang cellphone. Kinuha ko naman, babalik na sana ako sa desk ko."dito ka lang, kailangan kong mapanood", tinapik niya ang upuan sa tabi niya.

"Ikaw na lang kaya", abot ko sa kanya yung cp.

"Kailangan kong isulat ang mga sasabihin mo", sabay turo sa computer niya.

Umupo naman ako. Habang sinasabi ko ang mga suggestion ko, tinatype naman niya.

"That's all, thank you", sabi ko.

"Ok, you may go", hinablot niya ang cp.

"Wala man lang, ' good job', na praise mo diyan", sabi ko.

"Merienda tayo, halika", at hinatak ako papunta sa may elevator.

Pagbukas ng elevator, tumambad si Luke. Dumilim ang paningin niya ng makita niyang magkahawak kamay kami ni Riley.

"Boss", bati ni Riley.

"Where are you going?" tanong niya.

"sa department store lang, boss, bibili ng snack", sagot naman ni Riley.

"Ikaw na lang, kailangan kong kausapin si Shine", sabi niya.

Kinuha niya yung kamay ko na hawak ni Riley.

"Sparkle, ano ang gusto mo?" habol na tanong ni Riley sakin.

"Anything, basta makaka....", hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hatakin ako ni Luke papunta sa office niya.

Dumiretso siya sa table niya at walang imik. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, nakatayo lang ako sa may pinto.

"Hmm, Luke?" tawag ko.

Hindi siya sumagot...

"May problema ba?" sabi ko sabay lapit sa kanya.

"You?"

"Ako? Bakit?"

"I told na huwag kang maging close sa mga lalaki dito, bakit ang lapit mo na kay Riley?"

"Syempre, naka-aasign ako sa kanya, at saka, in case you don't know, gay po siya"

"Kahit, he is still a guy, ano yung sparkle, may endearment na kayo?",

"Pantawag niya lang sakin iyun, the same as Shine, at saka Masama bang magkaroon rin ng ibang kaibigan,,wala ka man lang tiwala sakin",

Hindi siya sumagot.

MayWard Presents: You're My DNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon