CHAPTER SEVEN

505 41 12
                                    


Luke POV

Hindi ko makontak si Shine. Ilang beses ko na siyang tinawagan.

"Luke, may problema ba?" tanong ni Laura sakin.

"Tawagan mo ang mga maid sa bahay kung nakarating na siya",

Dinial ko ang number sa bahay.

'hello, manang, nandiyan na po ba si Shine?'

'opo sir, pero lumabas po siya, sabi niya pupunta siya sa mga kaibigan niya'

'ah sige, tawagan niyo ako kung dumating na siya diyan'

'opo, sir'

Ibinaba ko na ang phone.

"Oh, nasaan daw siya?"

"Lumabas daw kasama ang mga kaibigan niya",

"Masyado kang nag-aalala, makikita mo naman siya bukas", sabi ni Laura.

Uuwi na kami bukas. Inaamin kong namimiss ko na talaga siya.

Wala parin akong natatanggap na text mula sa kanya. Kahit tinatawagan ko hindi siya sumasagot.

"Luke", tawag ng anak ng kaibigan ni daddy. Si Cynthia "bakit ka nandito? Halika sa loob"

"I am calling my girlfriend",

"Baka may ka-date na iyun doon, hayaan mo muna siya, ah by the way, yung pictures natin, tinag ko na siya sayo", sabi niya.

"Pictures?", baka nakita niya ang pictures na iyon. "Untag me right now", sigaw ko sa kanya.

"ano bang problema mo? Pictures lang naman, napaka-childhish naman kung magagalit ang gf mo",

"I said untag me",

"Ok, ito na", linabas niya ang phone niya,pinakita niya nan aka-untag na ako, "Happy", at saka iniwan ako.

To: My Shine <3

Hey! Answer your phone! I can explain..

Wala parin siyang text. Pinuntahan ko sina mommy na nagsisiyahan sa loob.

"Mom, mauna na akong lumuwas sa inyo",

"Huh? Bakit? May nangyari ba?"

"Hindi sinasagot ni shine ang mga tawag ko, puntahan ko lang siya",

"sige, uuwi na rin kami bukas", agad akong nagtungo sa airport.

Shine POV

Umuwi rin ako sa bahay nina Luke, kanina pa siya tawag ng tawag sakin pero hindi ko sinasagot. Hindi ko naman siya masisi kung may magustuhan siyang iba. Hindi naman talaga kami.

Natulog na lang ako......

May nararamdaman akong parang gumagalaw sa tabi ko. Minulat ko ang mga mata ko, nakita ko si Luke.

'Nananaginip ba ako, si Luke ba talaga ito?'

Pinikit ko ang mga mata ko at saka tumingin ulit sa kanya.

'Si Luke nga'

Bumalikwas ako...

"Luke, anong ginagawa mo dito?"

"Go back to sleep", at pinahiga niya ako. Niyakap niya ako. "Don't move, matulog na tayo", sabi niya.

Natulog na lang ako ulit.

Kinabukasan, akala ko panaginip lang iyun. Pero nandito siya, nakayakap sakin. Dinahandahan kong inaalis ang kamay niya sa bewang ko para hindi siya magising pero hindi ako nagtagumpay. Pumaibabaw siya sakin.

MayWard Presents: You're My DNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon