CHAPTER NINE

485 39 8
                                    


Luke POV

Tumawag sakin si Laura, lumayas daw si Shine sa bahay. Sinabi ko naman na misunderstanding lang ang nangyari samin.
ayaw kong mawala siya sa buhay ko, gagawin ko ang lahat, mapatawad niya lang ako.
Ilang araw na lang matatapos na ang OJT namin.
Si Jane ang mentor ko at past ko. Hindi naging kami, pero MU kaming dalawa. Hindi ko nasabi yung tunay kong nararamdaman noon. Iyun ang regrets ko sa unang pag-ibig ko but hindi ko hahayan na maulit ito kay Shine. I will do anything to win her back.

Tinatawagan ko siya pero palaging naka-off ang phone niya.

"Bro, may problema ba kayo ni Ms. Intern?" tanong ni Marco sakin.

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa paghingi ng tawad sa kanya",

"Hayaan mo muna siya ngayon, sa pagbalik mo na lang siya kausapin",

Siguro tama si Marco, total malapit na kaming matapos. Kakausapin ko na lang siya pagkabalik ko ng maynila.

Sinantabi ko muna ang problema namin ni Shine. Nag-focus muna ako sa final demo namin sa OJT. Nakasalalay dito ang future namin. Kapag hindi kami nakapasa dito, hindi kami gagradauate.

Sa mahigit na dalawang linggo namin sa pagseserbi dito sa Cebu, sa wakas natapos na kami. May farewell party para sa amin ang mga staff pero hindi ako sumama para agad makauwi ako.

Pagkadating ko sa bahay agad akong pumunta sa kwarto na tinutuluyan ni Shine noon. Nakita ko doon ang cellphone na binigay ko sa kanya. Pinulot ko ito...

Pinunthan ko ang apartment na tinutuluyan niya dati. Nakita kong may ibang tato na nakatira doon. Pumunta ako sa dorm nila. Sabi ng mga estudyante doon na hindi daw bumalik doon.

Wala naman akong number ng mga kaibigan ni niya. naghintay ako sa labas ng dorm baka sakaling lumabas ang mga kaibigan niya.

Nakita kong lumabas ang isang kaibigan niya. agad akong bumaba para kausapin siya.

"Excuse me", nagulat naman siya ng makita niya ako. "Alam mo ba kung nasaan si Shine?"

"Luke? Kailan ka dumating?" sagot niya.

"Si Shine?"

"Ah, hindi ko alam, pasensya na", at bumalik siya sa loob.

"Teka", pigil ko sa kanya pero nagtuloy-tuloy parin siyang pumasok.

Babalik na sana ako sa kotse ko nang bumalik siya.

"Luke, hindi dapat ako makialam sa problema niyo pero hayaan mo muna siya ngayon, kami ang kakausap sa kanya", sabi niya.

"Salamat",

Shine POV

Nakatira ako dito sa kapatid ni Mother Superior, noon pa sana ako lumipat dito pero ako lang ang may ayaw kasi nga nakakahiya sa kanila. Hindi alam ni Kisses ang bahay na ito, sinadya ko talagang hindi sabihin sa kanya.

"Iha, kain na", tawag sakin ni Nay Rosa.

Lumabas ako sa kwarto ko..Mag-isa lang si Nay Rosa dito sa kanyang bahay. Madre na sana siya ngayon pero may hindi inaasahang nangyrai sa buhay niya kay hindi natuloy.

"Salamat po", pasasalamat ko sa kanya.

"Naku, walang anuman iyun, buti pa nga na may kasama ako dito sa bahay",

........................................................................................................................................................................................................................................................................................

MayWard Presents: You're My DNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon