CHAPTER EIGHTEEN

436 37 6
                                    

Chapter 18

Shine POV

Pinasyal kami ng mag-asawa dito sa may Vigan. Pumunta kami sa Baluarte at Hidden Garden.

"I hope you enjoyed your stay here", sabi ni Ma'am Cessa samin.

"Opo", ikli kng sagot. "Ahh. Mag-ccr po mUna ako",

"Samahan na kita", prisinta ni Ma'am Cessa.

"Ah..hindi na po. Natandaan ko naman kung saan iyon",

"sige, hintayin ka namin dito",

.

.

.

Naka-cr na ako, pabalik na sana ako ng may nakita akong batang umiiyak. Linapitan ko siya..

"Baby, bakit ka umiiyak?"

"Mommy", iyak ng bata.

"Halika, hanapin natin mommy mo", binuhat ko ito.


Luke POV

It's been 1 hour mula ng magpaalam si Shine para mag-cr.

"I will go and check on her", prisinta ni Ma'am Cessa.

Makalipas ng ilang minute bumalik siya.

"Wala naman siya doon",

"Call her", utos sakin ni Ben.

"I don't have her number",

"What? Kasama mo siya pero hindi mo alam ang number niya", takang tanong niya.

"Wait", nandito pa sakin ang number niya noong kami pa, at na sakin pa ang number kong dati. Tinawagan ko ito. Nag-ring naman..

'Hello' ibang boses ang sumagot. 'My Stranger ba ito?'

'Yes'

'naiwan po ng babae ang cellphone niya dito sa cr, bale nandito po ako sa harap ng cr po ngayon, kunin niyo na lang po sakin'

'Thank you'

Ibinaba ko na ito. Agad ko namang pinuntahan.

Nakita ko ang babaeng nakatayo sa may cr.

"Hello"

"Kayo po ba si My Stranger, ito po ang cellphone",

Kinuha ko naman, iyun parin ang cp na binigay ko sa kanya. Inopen ko ito, nakita ko ang litrato namin noong graduation ko.

"Thank you"

"Welcome po", umalis na ito.

"Saan na ba nagpunta iyon?" sabi ni Cessa.

Shine POV

Nang maisuli ko ang bata sa kanyang mommy, bumalik na ako kina Luke, pero nadatnan ko silang wala na doon. Tawagan ko sana sila ng mapansin ko na nawawala ang cp ko. Naaligaga ako, pumunta ako sa cr at customer center.

"Saan ko ba naiwan iyon?" sabi ko sa sarili ko. Umupo ako sa may bench at nakatingin sa ibaba, iniisip ko kung saan ko naiwan ang cellphone ko.

"Shine", sigaw ng isang pamilyar na boses.

Tumyo ako at bigla niya akong niyakap.

"Where have you been? I'm so worried kanina ka pa namin hinahanap",

Kumalas na siya sa pagkakayakap sakin.

"Hinahanap ko po yung cellphone ko",

"We are so worried about you", sabi naman ni Ma'am Cessa.

"Gaano b aka-importante ang cp mo at hindi ka nagsabi samin", sabi ni Luke.

"Ah....ok lang kung mawawala iyun, bibili na lang ako ng bago", sabi ko kahit na sa loob ko ay dapat kung hanapin iyun kasi bigay ni Luke yun sakin. Importante iyon..

"Here", biglang bigay ni Luke.

"My phone, saan mo nakita?"

"May nagbigay na tour guide dito kanina", sagot niya.

Inopen ko, nakita ko ang wallpaper niya na picture namin ni Luke noong graduation niya. Bigla na akong kinabahan, nakita niya kaya ito?

"Pina..."

"Lets go", biglang sabi ni Sir Ben.

Tatanungin ko ba kung pinakialaman niya ito.

"Shine, bakit mo pa tatanungin, obvious naman na gamit mo parin ang bigay niya, diba', sabi ng isip.

"By the way, Shine, nice phone, old model na yan, bakit hindi mo pa palitan?" sabi ni Ma'am Cessa.

"Huh? Ah..."

"Hindi ka ba pinapasweldo ng boss mo?" tanong naman ni Sir Ben.

"Hahahaha..", tinawa ko na lang. Alangan naman sabihin kong bigay ito ng pinakaimportanteng lalaki sa buhay.

"Thank you sa lahat Mr. Ben, but we have to go may kailangan pa kaming puntahnan",

"Thank you for your time, looking forward to work with you Mr, Vasquez"

.

.

.

.

Hindi ko alam ang itatanong ko sa kanya. Mas lalo tuloy awkward ang sitwasyon namin.

"Sir..hmmm...may nakita ba kayo sa cp ko?"

Hindi siya sumagot...

"Tumawag na ako kay Mr. Romero, siya na lang ang pupunta satin kaya pwede muna tayong magrelax sa pagudpud", sabi niya.

Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Sir..."

"Shine, do you still love me?"

Hindi ko alam ang isasagot ko. Bakit iyon ang tinanong niya?

MayWard Presents: You're My DNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon