CHAPTER EIGHT

506 45 5
                                    


Bagong Taon!

Shine POV

Unang araw ng klase ngayong bagong taon. At lumuwas na rin si Luke papuntang cebu, inaamin kong may kaba ako na mawalay siya sakin pero na-assure ko naman na mahal niya ako nung new year's eve. Papunta ako ngayon sa klase ko ng may marinig akong nag-uusap na mga estudyanteng tungkol kay Via.

"Wala na daw si Via dito",

"bakit kaya siya napalayas dito sa school?"

"Kaibigan", sigaw ni Kisses sakin. Niyakap niya ako. "Namiss kita ng sobra",

"anong nangyari kay Via?" tanong ko.

"Ito naman, hindi mo man lang ibalik sakin yung, 'miss din kita'" rekalamo niya.

"Na-kick out siya, diba nga yung ginawa niya sayo", sagot naman ni Faye.

"Buti sa kanya, para mabawasan ang bruha dito sa school", sabat naman ni Kisses.

"Paano yung kasama niya?" tanong ko.

"Dahil siya ang nagsumbong, suspend lang siya, taray ng jowa mo ah, hindi ka hahayaang masaktan ng iba", sabay tulak sakin ni Kisses.

"Speaking of jowa, nagstart na ba yung OJT na?" tanong naman ni Faye.

"Nasa cebu na",

"LDR na kayo", asar nilang dalawa.

"Baka may mahanap siya dung iba", biro ni Kisses.

Hindi ako nakasagot sa halip iniwanan ko sila.

"eto naman, hindi na mabiro, joke lang iyun, syempre ikaw ang mahal nun", sunod na sabi ni Kisses.

Ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako. Parang nararamdaman kong may mangyayari.

Ok pa ang komunikasyon namin sa simula pero nang nagkalaunan na, madalang na kaming magkausap na dalawa. Iniisip ko na baka marami lang siyang trabaho. Kahit si ate Laura, busy na rin sa negosyo niya. out of the country naman sina Tito at Tita. Ako na lang ang naiiwan dito sa bahay nila.

-2 weeks after-

Dalawang linggo na ang nakakalipas, wala pa rin kaming komunikasyong dalawa. Ganito ba kahirap ang long distance relationship. Malapit na rin matapos ang semester at yung ojt nila.

"Class, we will attend seminars at cebu this weekend, all of you must attend, kasama ito sa magiging final exam niyo", sabi ng Dean namin.

"Saan po yan sir?"

"Sa pag-ojt'han ng mga seniors niyo, and sila yung host ng seminar na ito", sagot niya.

Nagtinginan kaming tatlo nina Kisses. Ibig sabihin nito, makikita ko na rin si Luke.

......................................................................................................................................................................................................................................................................................................

Excited akong bumaba sa sumundo samin sa airport. Pumunta muna kami sa hotel na tutuluyan namin bago kami pupunta sa kumpanya na pinag-oojt'han nina Luke. Very accommodating sila sa amin. Nang makita ko si Luke, tinawag ko siya.

"Luke", sigaw ko.

Tumingin siya saglit sakin at saka pumunta sa loob.

"Busy lang siya, halika na", sabi ni Faye sakin.

MayWard Presents: You're My DNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon