Shine POVHanggang ngayon kinakabahan pa ako sa tinanong ni Luke sakin. Buti na lang na-interrupt nang may tumawag sa akin.
Nandito kami sa isang resort dito sa pagudpud. Dito kasi kami kikitain ng huli naming kliyente. At sakto pang naging kliyente ko noon ang may ari ng resort.
"Welcome Shine", salubong samin ni Mr. Nicolas.
"Hello po, this is my boss Luke Tyra Vasquez", pakilala ko naman kay Luke.
" Mr. Vasquez welcome sa resort, hope you enjoy your stay here", kinamayan niya so Sir Luke.
"Thank you Mr. Nicolas",sagot naman niya.
"Ahmm...mamasyal muna kayo at mamaya eh marami tayong pag-uusapan",
"Ah, sir si Hannah po?" tanong ko. Naging kaibigan ko narin pala ang anak niya.
"Nasa suite niya, puntahan mo na lang", tumingin siya sa mga staff niya. "Pakihatid si Mr. Vaaquez sa room niya",
"Yes sir", sagot naman nila.
Para makaiwas kay sir, agad kong pinuntahan si Hannah. Narinig ko pa ang tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko pinansin.
"Ano ba ang isasagot ko sa kanya?" tanong ko sa sarili.
Hindi pa ako nakakarating sa suite ni Hannah ay nakita ko na sila ng bf niyang magkasama.
"Hannah", sigaw ko.
"Bebs", sigaw niya pabalik at niyakap. "Ang tagal mong hindi nagparamdam",
"Sorry, busy lang",
"Bebs", sabi ni Niko. Ako pala ang naging dahilan kung bakit sila mag-jowa ngayon.
"Oh, behave ba si Niko sayo?" tanong ko kay Hannah.
Pinakita naman niya ang singsing niya.
"Engage ka na?"sigaw ko. "Wow, walang pasabi ah"
"Hay, hindi ka kasi makuntak", sabi naman ni Hannah.
"Oo nga, kaya hindi na kita hinintay, ako na ang gumawa ng paraan para magpropose", sabat ni Niko.
"Dapat nakita ko, gusto kong makakita ng proposal ng personal", maktol ko.
"Hindi mo ba nakita nung nagpropose si James kay Nadine?"tanong ni Hannah.
"Wala namang proposal na naganap sa kanila, kasal agad",
Sabay tawa nilang dalawa.
"Hayaan mong magpropose si Riley sayo", biro ni Hannah.
"Che",
Tawa kaming lahat.
.
.
.
Kinuwento ko si Luke kay Hannah. Kung ano ba ang tamang isagot ko sa kanya."Its up to you bebs. But the question is do you?"
"I don't know"
"What did you feel when you saw him again after 3 years?"tanong niya.
"Tumibok ulit ito", tinuro ko ang puso ko. "Parang gusto ko siyang yakapin ulit, at sabihin miss ko siya, pero i have this fear na baka hindi na niya ako mahal, hindi siya nagparamdam sakin which is sinabi niya noon na hindi niya ako bibitawan, pero nung nakita ko siya hindi ko alam, nawala na ang Luke na kilala ko",
"Still hoping ka parin bebs, bakit hindi mo siya tanungin?"
"Paano kung may mahal na siyang iba, nakita kong magkasama parin sila ni Cynthia",
"Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?"
"Natatakot ako, ako kasi yung dahilan kung bakit naghiwalay kami, pinakawalan ko siya",
"Whatever it takes bebs, take the risk, malay mo mahal ka pa niya, isipin mo bakit niya iyon natanong sayo, baka mahal ka pa niya",
.
.
.
.
.
.
Papunta ako sa room ni Sir. Pabalik balik ako kasi hindi ko kayang harapin siya. Pero nakita ko siya sa harap ng room niya na may kausap."I'm sorry babe....yes i will....yes..i love you,..ok..bye"
Nagtago muna ako. Parang may kumirot sa puso ko, Hindi ko namalayang tumulo na ang luha. Dumistansya muna ako para hindi halata na matagal na ako doon na nakatayo.
"Hmm..sir, dinner meeting is ready", pagkasabi ko nun at iniwan ko na siya.
Luke POV
"Looking forward to work with you Mr. Vasquez", sabi ni Mr. Nicolas.
"Thank you for trusting us",
"Ahmm..uwi na ba kayo bukas o mag-stay pa kayo?"
"Ahmm.may personal problem na dumating, we need to go home, tomorrow", sabi ko.
"Maiiwan po ako sir", sabi ni Shine.
"Why?"taka kong tanong.
"May aasikasuhin din po ako dito", sagot niya.
"Oh, nag-usap na ba kayo ni Hannah? Tinatanggap mo na ba ang offer namin sayo?" tanong ni Mr. Nicolas.
"Syempre sir, matagal ko ng napag-isipan yan, si Riley lang naman ang pumipigil sakin", sagot niya.
"Oh thank God, and please call me tito", sabi ni kay Shine.
"What offer?"taka kong tanong.
"Yung...."
"Ahm..tito, thank you....", alam kong may tinatago siya sakin.
"No, you need to come with me", sabi ko.
Shine POV
Hindi ko masabi sa kanya na kailangan ko munang mapag-isa para makapag-isip.
gusto ko siyang tanungin para mawala na ang pagka-assuming ko. Pero hindi ko kaya..
BINABASA MO ANG
MayWard Presents: You're My DNA
General Fiction***based on the K-drama Cheese in the trap ****Shine is just an ordinary girl. She's doing everything just to make sure that she will graduate from college. But her life is hard, being a scholar; she's been bullied in school. But aside from that, s...