CHAPTER ONE

1K 46 1
                                    


Shine POV

Nandito ako ngayon sa aking paboritong tambayan, tahimik lang dito, wala mga estudyanteng magulo at maingay. Magiging maingay lang dito kung....

"Ahh....nandiyan na sila",

Dadaan ang mga famous boys dito sa school. Kahit ako napapatayo kapag napapadaan sila, kasi naman ang gwapo ni Luke Vasquez. Ang apo ng director ng school, hanggang tingin lang ako sa kanya, hindi naman ako mapapansin ng isang katulad ko.

"Shine", sigaw ng kaibigan kong si Faye. "Kain na tayo ng lunch, halika na", hatak niya sakin.

Napsunod naman ako sa kanya. Alam ko ang punto nito kapag nagmamadali siyang pumunta sa canteen, gusto niyang makuha ang pwesto kung saan malapit sina Luke na kakain ng lunch mamaya.

Nag-order na kami at agad pumwesto. Nakita naman na papasok na sila, at nagpwesto sa likuran namin. Si Faye ang nakaharap sa pwesto, ako naman ang nakatalikod sa kanila. Hindi masyadong magkalayo ang table namin, naririnig namin kung ano ang mga pinag-uusapan nila.

"So, how is your sister?" tanong ni Marco sa kanya.

"We can't find a blood donor yet, she has a rare blood type", sagot naman ni Luke.

"Hoy, alis diyan", nagulat ako kay Via sa pagsulpot niya.

"Nauna kami dito, ang dami kayang pwesto oh", turo naman ni Faye.

"Ito ang gusto namin, get out", sabi niya samin.

"Aba't", susugurin na sana ni Faye si Via, ng inawat ko siya.

"Alis na lang tayo, hanap na lang tayo ng pwesto", awat ko sa kanya. Inilayo ko siya kay Via, baka kung ano pa ang gawin sa kanya ni Faye.

"Bakit mo ako pinigilan, papatulan ko talaga yung bruhang babaeng iyun", sabay turo niya kay Via.

"Hayaan mo na",

Dumating naman si Kisses, na galing sa klase niya.

"Oh, tapos na kayong kumain?" tanong niya.

"Hindi, pinaalis kami ng bruhang demonyo na si Via sa pwesto namin", inis na sabi ni Faye.

Tumingin naman si Kisses sa direksiyon nina Via. Susugod na sana siya ng hintak ko siya palabas ng canteen.

"Isa ka pa, hayaan mo na, kain na lang tayo sa labas", sabi ko.

"Alam mo kapag napuno na talaga ako, ibubuhos ko lahat ang inis ko sa kanya", sabi ni Kisses.

"Ako rin", sagot ko naman.

Ayoko lang kasing madumihan ang pangalan ko sa mga nagbigay sakin ng scholarship kaya hindi ko sila pinapatulan.

Malapit na ang final exam namin, kaya puspusan an gaming pag-aaral. Mas gusto ko talagang mag-aral ng tahimik kaya dito talaga ako sa may ilalim ng puno malapit sa gym. Walang masyadong nagpupunta na estudyante dito dahil malapit dito sa garbage bin. Well, hindi nman mabaho ang garbage bin kasi puro plastic lang ang mga nakalagay doon.

Nakatira ako ngayon sa isang dorm kasama sina Kisses at Faye. Libre lahat sakin dahil scholar ako. Ang maganda dito sa dorm namin ay hindi nandito si Via. May sarili siyang apartment sa tapat ng school.

"Nandito na ako", sabi ko sa dalawa .

"Oh buti naman, kain na tayo", alok naman ni Kisses.

Sa aming tatlo, si Kisses ang pinakamarunong magluto.

"Maghuhugas lang ako",ibinaba ko ang bag ko sa kama ko.

Habang kumakain kami, pinag-uusapan namin ang darating na semestral break.

"Excited na akong umuwi", sabi ni Kisses.

"Kahit ako, miss ko na ang aso ko", sabat naman ni Faye.

"Aso talaga, hindi ang mga magulang mo", sabi ko naman.

"Ikaw, uuwi ka ba?" tanong naman ni Kisses.

"Syempre, miss ko na ang mga kapatid ko", sagot ko.

Laking-ampunan kasi ako, gusto kong makapagtapos dahil sa mga bata sa ampunan.

Bukas na ang first day of exam, lahat kami ay nag-aral. Pero ngayon matutulog ako ng maaga para maaga akong magising.

Maaga akong pumasok, nag-review muna ako ng kunti. Nagsulat ako sa isang papel para madali kong maalala. Nang wala pa ang professor namin ay pumunta muna ako sa canteen para bumili ng maiinom. Dahil sa pagmamadali ko, may nabangga akong isang lalaki.

"Sorry", paumanhin ko sa kanya. Nagulat ako nang nalaman kung sino iyun.

"Ok ka lang", tanong niya.

Naptulala ako ng slight bago nag-sink in sakin na maraming glare stare na tumatama na sakin.

"Oo",at tumakbo na ako.

Sakto naman na nag-bell ng makarating ako sa room namin.

Nasa kalagitnaan kami ng exam ng may pinulot na isang papel ang professor namin. Binuksan niya ito.

"Whose paper is this?" tinaas niya ang papel. Walng sumagot sa amin. "all of you stop writing", sigaw niya. "I will ask you one more time, whose paper is this? I will not let take the test if you don't tell who's responsible for this?"

Tumayo si Via.

"Sir, I saw Shine writing that one, a while back",

"Shine, come here", sabi ng prof.

Lumapit naman ako.

"Is this your writings? " pinakita niya sakin ang papel.

'papel ko nga yan, paano napunta yan sa sahig?' sabi ng utak ko.

Tumango na lang ako.

"Go to the dean's office", lumabas ako.

'Anong nangyayari? Bakit nasa sahig ang sinulat kong papel'

Sumunod naman ang professor namin. Pumunta kami sa deans office.

"Explain", sabi ng Dean namin.

"Sir, inaamin ko pong ginawa ko yan, but hindi ko ginawa yan para mandaya, reviewer ko po yan sir", paliwang ko.

"you know that you violated one of the condition of your scholarship, I'm sorry Miss Perez, hindi na kita masusuportahan sa next school year", sabi niya.

"Pero sir, hindi ko po ginawa para mandaya, maniwala kayo sakin", paliwanag ko.

"You can take the exam, but I will not be able to give you scholarship anymore",

Parang bumagsak ang langit sakin. Paano na ako ngayon? Hindi na ba ako makakapagtapos. At pinagpapasalamat ko na lang ay hindi sinabi ng professor at dean ang nangyari.

?

MayWard Presents: You're My DNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon