Last Chapter
Luke POV
I know, nakikita ko sa mga mata niya na mahal niya parin ako.
"Hindi ka ba satisfied sa ginawa mo?" tanong ko sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya na nasasaktan na siya. Pero dapat hindi muna ako maapektuhan. Gusto ko siyang yakapin, pero kunting tiis na lang.
"Satisfied naman para kay Ate Laura, excuse me pagod na ako", sabi niya. Nakikita ko sa mga mata niya na paiyak na siya. Nang makaalis na siya,
"Sundan ko lang", paalam ko sa mga kasama namin.
Sinusundan ko siya, bigla siyang huminto at may tinapon. Nang makaalis na siya pinulot ko ang tinapon niya. Yung bracelet na binigay ko at yung kapareho niya. Bigla akong napangiti..
"I will make you mine Shine, and make sure that it will be forever", pinulot ko ang bracelet.
{After the proposal}
Dinala ko siya sa tabi ng dagat..
"Sinigurado mo talagang hindi ako makakaayaw sa prosposal mo", sabi niya.
"Alam ko namang, hindi mo ako matatanggihan",
"Paano kung bawiin ko ngayon?" sabi niya.
"Walang bawian", kinuha ko ang bracelet na tinapon niya sa bulsa ko.
"Paanong?" taka niyang sabi.
"Sinundan kita nang gabing iyon baka kasi may gawin ka sa sarili mo, at nakita kong tinapon mo ito", nilagay ko sa mga wrist niya ang isa at pinakita ko yung isa na suot ko na.
"I love you so much,My Shine",
"I love you too, My Luke",
At siya ang biglang humalik sakin......
(After Marriage)
Shine POV
"Ayoko nga", sabi ko kay Luke at iniwan ko siya. Natapos na ang kasal namin at nandito kami ngayon sa honeymoon namin sa hongkong. Kanina ko pa sinasabi sa kanya na ayokong kumain sa maraming tao pero hindi niya ako pinagbibigyan. Habang naglalakad ako palayo sa kanya, naramdaman kong hindi siya sumunod sakin. Liningon ko, wala siya salikod ko.
"Hindi niya ako sinundan", sabi ko sa sarili ko. Bumalik ako sa restaurant na pinagdalhan niya sakin pero wala na siya doon. "Saan ka na?" sabi ko. Lumabas ako ng resto at hinanap siya kung nasa labas lang siya, pero wala. Napaiyak na ako, hindi ko pa naman alam kung nasaan ang hotel na nag-check in'an namin
"Love", biglang sulpot niya.
"Saan ka ba nanggaling?" sigaw ko.
"May alam na akong pwedeng kainan natin", sabi niya.
"Bakit mo ako iniwan?" sigaw ko ulit.
"May pinuntahan lang ako",
"Pero iniwan mo ako", iyak kong sabi. "Akala ko bumalik ka na sa hotel",
"Sorry", niyakap niya ko. "Hindi ko iyun magagawa sayo",hinahaplos ang buhok ko.
"Gutom na ako", sabi ko .
Kumalas siya sa pagkakayakap sakin.
"May nakita akong masarap na kainan", sabi niya.
Dinala niya ko sa isang chinese resto na may mga private rooms para sa mga couples. Ang dami niyang inorder para sa amin.
"Let's eat", sabi niya.
Nag-aaway lang kami sa mga maliit na bagay pero sinisigurado naming magkakabati rin kami. Marami mang pagsubok na dumaan pero kami parin sa huli.
After 1 year
Mahirap talaga ang long distance relationship...Nasa Manila siya, ako nasa Ilocos. Dito ko kasi gustong tumira, total may lote na kami dito at nagpapagawa na kami ng bahay. Noong una ayaw ni Luke na tumira kami dito, pero pumayag din siya kasi ang ginawa naglayas ako. Hindi niya ako nakuntak ng 1 week, para hindi na maulit iyon, pumayag na siyang tumira kami dito.
"Hoy, huwag kang magpagod, yang baby mo", sabi ni Hannah sakin.
5 months preggy na pala ako..
"Kailan uuwi ang asawa mo huh?" tanong naman ni Niko.
"Bukas daw", sagot ko.
"Hay naku, bakit hinahayaan ka niya dito mag-isa, doon ka na lang, para mabantayan ka niya, hindi mo man lang naisip na may trabaho siya doon, sarili mo lang ang iniisip mo", sermon ni Niko.
Alam ko naman iyon, pero mas gustoko dito. Presko ang hangin,, iyon sinasabi ng katawan ko.
"Kung ayaw niya dito, eh, maghiwalay na lang kami", sabi ko.
"Shine", sabi ni Hannah.
"Doon siya, dito ako, maghiwalay iyon diba", paliwanag ko. "at saka, sabi ni baby mas gusto niya dito",
Pagkatapos na dinner, diretso agad ako sa room ko. Pagkatapos naligo, humiga na ako, kahit na basa pa ang buhok ko. Hindi ko namalayang nakatulog na ako.
Nagising ako na may humahalik sa pisngi ko..
"Good morning love", bati niya.
"Love?" niyakap ko siya..
"Oh"
"Miss na miss kita",
"Miss ko rin kayo, come on breakfast na tayo",
"Hindi ka ba pagod, magpahinga ka muna",
"No, nawala na ang pagod ko nang nakita na kita",
"Hmmm...Luke, alam kong napilitan ka lang na pumayag na dito tayo tumira, kapag nanganak na ko, bumalik na tayo sa maynila", sabi ko.
"What make you say na napilitan ako? Love, gusto ko rin dito, ok sakin na dito tayo",
"Paano yung bussines mo?"
"Ako ang boss nila, marami akong inatasan doon, basta masaya ka, I am very much happier",
"Thank you love",
Kiniss ko siya pisngi...
"Halika na, baka hindi ako makapagpigil dito", sabi niya.
Wala man akong magulang, I will make sure na magiging buo at masaya ang bubuuin kong pamilya.....
BINABASA MO ANG
MayWard Presents: You're My DNA
Fiksi Umum***based on the K-drama Cheese in the trap ****Shine is just an ordinary girl. She's doing everything just to make sure that she will graduate from college. But her life is hard, being a scholar; she's been bullied in school. But aside from that, s...