CHAPTER TWENTY ONE

455 36 11
                                    

Shine POV

Ang daming text at tawag mula kay Riley. Sinabi ko naman na magreresign na ako, last year pa. Ngayon pa siya magagalit sakin.

Naglalakad-lakad ako dito sa may dagat ngayon. Nagpaalam ako kay James na dito na muna ako mananatili. Pumayag naman siya sakin. Siguro nga ito ang dapat kung gawin. Ang huwag ng umasa kay Luke. Unang-una hindi namang opisyal na naging kami noon. Walang ligawan na nangyari. Basta tinanim lang namin sa isip namin na mag-on talaga kami. Parang M.U lang ang nangyari sa amin.

"Ano ba ang gagawin ko Mr. Dagat? Sabi niya kasi noon kasi na babalikan niya ako, dapat ko na bang kalimutan siya,,iyon ang dapat gawin", sabi ko habang nakatingin sa karagatan.

"Kapag sumagot yan, ewan ko na lang sayo", sabi ni Niko.

"Bebs, emote ka na naman diyan", sabat naman ni Hannah.

"Hindi naman, naglalabas lang saloobin", sagot ko.

"Hoy, sigurado ka ba sa mga desisyon mo, hindi ka ba padalos-dalos?" sabi ni Hannah.

"Kayo, sigurado ba kayo sa papasukan niyo, hindi ba kayo padalos-dalos?", balik kong tanong sa kanila.

"Oo naman, sure na kami", sabi ni Niko.

"Sure din ako", sagot ko naman.

Inakbayan ako ni Niko.

"Bakit kasi hindi mo pa hanapin anf kapareho ng bracelet mo?"

"Ewan ko sayo",

"Babe, hindi pinaniniwalaan ang bracelet", sumbong niya Kay Hannah

"Totoo yan, bebs...oh", pinakita ang bracelet niya.

"Oo na,nangyari na sa inyo iyan", sabi ko. "Kapag si Luke ang nakabili ng kapareho nito, maniniwala na ako",

"Posible iyon, bebs, malay mo", sabi ni Hannah..

"Hindi mahilig sa mga ganito iyon, kaya imposaible iyon", sagot ko.

Ayaw na ayaw ni Luke ang mga ganito. Kaya alam kung impossible iyon.
.
.
.
.
Pabalik na kami sa resort nang may nakita akong familiar na mukha. Si Ate Laura at Cynthia. Anong ginagawa nila dito?

"Shine", sigaw ni Ate Laura nang makita ako.

"Ate, anong ginagawa niyo dito?" tanong ko.

"Come on Shine, this is a resort, ano ba ginagawa kapag may resort?" Sabat ni Cynthia.

"Well, rinekomenda samin ni Luke itong resort, its beautiful here",,sabi ni Ate Laura. "Nagkita na ba kayo in Luke?" bigla niyang tanong.

"Kailan po kayo dumating?"balewala ko sa tanong niya.

"Kaninang umaga, nagkita na a kayo ni Luke, kasama niya ang baby niya eh", sabi ni Ate Laura.

"May anak na po si Luke?" tanong ko.

"Actually, its ours", sabat naman ni Cynthia.

May anak na pala sila. Bakit ngayon ko lang nalaman.

"Ayan na pala sila", turo ni Ate Laura sa likod ko.

Liningon ko naman sila. May bibit siyang bata, na kasing edad ni Jadine.

"Mommy", sigaw niya.

"By the way baby, this is tita Shine", pakilala ni Cynthia sakin.

"Hi Tita Shine, I'm Brent", nag-smile lang ako sa kanya.

"Shine", tawag ni Luke sakin.

"Sir",

"Pwede ba tayong mag-usap?"sabi niya.

Bigla akong kinabahan.

.
.
.

Cynthia POV

Well, anak ko si Brent sa nakarelasyon ko sa amerika noon.

Ayaw akong paninidigan noon kaya si Luke na ang nakilala niyang ama. Pero sinabi ko naman sa anak ko na hindi siya ang totoong daddy niya. 

May komunikasyon naman kami ni Rezo but I don't think desrve pa niya na nakilala siya ng anak namin..

" mommy, siya po yung gf ni daddy Luke",tanong ni Brent.

"Yes, baby" , kilala niya si Shine.

Mula ng pumunta kami sa amerika, hindi na nawaglit sa isipan ni Luke so Shine. Kaya inutusan niya si Ryle, na kunin ulit si Shine sa company nila kahit na nag-shift na into ng course noon.

Ayaw niyang tawagan si Shine kasi baka kapag narinig niya ang Boses niya baka mapapauwi siya bigla sa pilipinas. Tiniis niya iyon ng tatlong taon.

"Magpropropose na ba si Luke sa kanya?" tanong ko Kay Ate Laura.

"Ewan ko Kay Luke, sobrang duwag niya pagdating Kay Shine, pwede naman niyang sabihing mahal pa rin kita, Shine",reklamo naman niyang sagot.

Shine POV

Nandito kami sa tabing dagat ni Luke. Kinkabahan ako sa saaabihin niya.

" Why did you resign?"tanong niya.

"Sir, matagal ko na pong gustong magresign, si Boss Ryle lang naman pumipigil sakin" pagpapaliwanag ko.

"Ano ang dahilan?", tanong niya.

"Katulad nga po ng sinabi ko kanina, matagal ko na pong balak na umalis, si Riley lang naman ang pumipigil sakin, sabi niyang may inihahanda siya",tinititigan niya ako. Parang gusto Kong matunaw sa mga titig niya. " ahmm..dito na po ako mananatili sir, may trabaho ng nakahanda sakin dito",

"Shine, do you still love me?"

Hindi ko alam ang isaaagot ko..




MayWard Presents: You're My DNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon