Chapter Twenty Eight
Hannah POV
Naghihintay ngayon si Luke kay Shine. Babalik na siya sa Maynila pero inaasahan niya parin na magkakabalikan sila ni Shine.
"I don't think na dadating pa siya", sabi ko kay Luke. "Luke, just give her time to think muna, gusto niya lang sigurong alamin mo muna kung ano talaga ang gusto mo",
"Tama ang Honeyko Luke, nasaktan siya ng dahil sayo, kung talagang mahal mo siya, pabayaan mo muna siyang mag-isip", dugtong naman ni Niko.
"Paano kung hindi na niya ako piliin?" tanong naman niya.
"Tanggapin mo na lang kung ano man ang desisiyon niya", sagot ko naman.
"Ito", binigay niya yung bracelet. "Pakibigay na lang ito sa kanya",
"Ikaw ang nakabili ng isa?" gulat na sabi ni Niko.
"Anong isa?" taka namang tanong ni Luke.
"Oo, makakarating ito sa kanya, mag-ingat ka sa biyahe", pag-iiba ko ng usapan.
"Sige", at sumakay na siya sa kotse niya. Nagwave na kami at saka siya nagpa-andar.
"Meant to be talaga sila, Honey", sabi ni Niko. "Akalain mong siya pala ang nakabili nito",
"Hayaan mo sila, hindi ito ang basehan para magkabalikan sila, kung talagang sila, gagawa ang destiny", sabi ko naman.
Pumunta kami sa kwarto ni Shine para ibigay ang iniwan ni Luke. KUmatok kami, binuksan naman niya. Halatang umiyak siya dahil mugto ang mga mata niya.
"Oh, anong nangyari sayo?" tanong ko.
"Nakaalis na ba siya?" tanong niya.
"Hay naku, kung ayaw mong umalis siya eh di sana lumabas ka at pinigilan siya, hindi yang nagkukulong ka at umiiyak", sabi ko. "Baliw ka din ano",
"Nakaalis na siya", sagot naman ni Niko.
"Hindi ko alam ang gagawin ko", sabi niya habang umiiyak.
"Hayaan niyo muna ang isa't isa, kung talagang kayo, gagawa ang destiny", sabi ko. "Oh", binigay ko ang bracelet. "Pinabibigay ni Luke",
Nagulat siya ng makita niya ang bracelet. Agad naman niyang hinanap sa drawer niya ang kapareha niya.
"Paanong?" taka niyang tanong.
"Nabili na daw niya iyan noong una kayong pumunta dito", sabi ko. Umiiyak na naman siya...
"Tama na nga yang kakaiyak mo na yan", pumasok na ako at niyakap siya.
"Anong gagawin ko?" iyak niyang sabi.
"Ok na yung ganito muna kayo, kung pareho na kayong ok, harapin niyo na isa't-isa", sabi ko.
{After 3 months}
Shine POV
"Make sure na makuha mo yung anngulo ng mga nagsasayaw ah", bilin ko sa isang photographer namin.
"yes, ate", sagot naman niya.
Kami ang kinuha nilang video and photographer ng isang debutant. Mula ng magbukas kami ay marami na kaming naging customer dahil na din kina Hannah.
Hatinggabi na ng matapos ang party.
"Thank you sa magandang service ninyo", pasasalamat ng magulang ng debutant.
"Naku, ginawa lang namin ang trabaho namin", sagot ko. "Mauna na po kami, i-dedeliver na lang po namin ang photos na iba",
"Salamat ulit", sabi ulit nila.
Papunta na kami sa mga rooms namin.
"Hay, nakakapagod", sabi ng isang trainee namin.
"Magpahinga na kayo, bukas na mag-celebrate", sabi ko.
"Good night", sabi nila.
Nag-wave na lang ako.
Tatlong buwan na ang nakalipas matapos umalis si Luke dito. Wala na akong narinig tungkol sa kanya.
Kinabukasan.......
Naghappy-happy kami ng mga team ko dahil natapos na naman ang isang trabaho namin.
"Ako na lang po ang gagawa sa video clip ng debutant ate", sabi ng trainee ko.
"Sige, husayan mo ah", sabi ko.
"Syempre po", sagot naman niya.
Naglakad-lakad muna ako sa tabi ng dagat. Kumukuha ako ng mga litrato mula sa mga turista dito.
Tumunog ang cellphone ko.
Calling... Pards Ken
'Oh, bakit?'
'Shine may customer tayo ulit, nandito sila ngayon'
'Sige, papunta na ako'
Ibinaba ko na ang cellphone at agad pumunta sa cottage namin. Pagdating ko don, nandun din sina Hannah at Niko...
"Oh ayan na pala siya", sabi ni Hannah.
Lumingon ang isang familiar na lalaki.
"Bebs, kunin ka daw nilang mag-photograph ng kasal", sabi ni Hannah.
"Hi, I'm Luke Tyra Vasquez, someone recommend you to be the photographer of a wedding",
Nagpakilala siya. Hindi na ba niya ako kilala?
BINABASA MO ANG
MayWard Presents: You're My DNA
General Fiction***based on the K-drama Cheese in the trap ****Shine is just an ordinary girl. She's doing everything just to make sure that she will graduate from college. But her life is hard, being a scholar; she's been bullied in school. But aside from that, s...