Naranasan mo na ba ang umibig?
Yung kapag nandyan siya, kinakabahan ka.....
Kapag nilapitan ka n'ya, natataranta ka.....
Kapag kinausap ka n'ya, nauutal ka.....
Yung kahit ilang beses ka n'yang ipagtabuyan ay hindi mo magawang umalis sa tabi n'ya.....
Yung kahit alam mong masisira mo ang araw n'ya ay kukulitin mo pa rin siya, huwag lang n'ya maramdaman na nag-iisa siya.....
Yung kahit anong hilingin n'ya sayong pabor ay hindi mo maHINDIAN
Yung kahit alam n'yo parehong siya yung may kasalanan ay mas pipiliin mong magpakumbaba.....
Yung kahit ang lakas ng ulan at isa lang ang payong na dala mo ay ipahihiram mo pa sa kanya huwag lang siya mabasa.....
Yung lahat gagawin mo mapansin lang n'ya na nag-eexist ka
Yung ang tanging gusto mo lang ay makasama siya....
Yung kapag nandyan siya sa tabi mo, wala ka ng hihilingin pa, sabi nga nila kuntento ka na....
Yung mas gugustuhin mong magkuhang tanga mapasaya lang siya para makalimutan n'ya 'yung problema n'ya.....
Kasi nga, MAHAL NA MAHAL MO SIYA
Kaso, alam naman n'ya na kaya mo ginagawa ang lahat para mapasaya siya at maging maagan ang pakiramdam n'ya ay dahil KAIBIGAN KA N'YA. OO, KAIBIGAN KA LANG N'YA.
at alam mo kung ano ang mas masakit pa?
'Yung alam mong kahit kailan ay hindi ka n'ya makikita ng higit pa sa isang kaibigan.... Kasi straight s'ya.
Paano mo ba sasabihin sa kaibigan mong babae na hulog na hulog ka na?
Paano mo ba aaminin sa kanya kung una pa lang alam mong wala ka ng pag-asa.....
Mali....
Mali sa mata ng tao....
Mali sa mga mata niya....
Kailan ba natin masasabing mali ang isang bagay? At kailan naman kung ito ay tama?
Kailan ba naging mali ang magmahal?
Mali ba na sabihin ko na ikaw ang alam kong tamang tao para sakin.....
"Paulit-ulit man nilang sabihing mali ang mahalin kita, hinding-hindi ako mapapagod na patunayan sa kanila at iparamdam sayo kung gaano ko gustong makasama ka sa buhay ko....
Na minsan, kailangan natin maging mali para makita natin ang tamang taong nakaalan para sa atin, at alam kong ikaw ang para sakin....
Oo, Jho.... handa akong maging mali para sa'yo. Dahil gusto ko, dahil ako, ang tinuturing mo na bestfriend mo ay mahal na mahal ka.... Higit pa sa inaakala mo.
Mali na kung mali, alam kong magiging tama rin ang lahat dahil tapat at totoo ako sa nararamdaman ko para sayo at gagawin ko ang lahat para makita mo na ikaw ang isang taong magtatama sa lahat ng kamalian ko"
-Bea
BINABASA MO ANG
Being WRONG for the RIGHT one
Fanfiction"Kahit na sabihin nilang mali ang mahalin ka, hindi ako mapapagod na ipagsigawan sa kanila na mahal kita" BEA.