Credits to the owner of the picture for this chapter! 😘
JHO
"A-aw." napahawak ako sa sintido ng ulo ko. Sobrang sakit talaga!!! Bakit ko ba kasi naisipan uminom kagabi? Eh kasi nga si Bea at Thirdy diba? Nah! Ano ba 'tong konsensya ko? Walang pakisama eh!
I reached for my phone to see what time is it.
12:57PM?! Late na ako sa training! Bakit hindi man lang nila ako ginising!? I was about to stand to fix myself pero napaupo na lang ulit ako sa kama dahil sumakit na naman yung ulo ko. Bakit tumitibok? Baka mabaliw na ako.
*toink* (sound ng paper bag hehe)
"Inumin mo yan, neng! Bakit ka naman kasi naglasing kagabi eh hindi mo naman pala kaya."
Kinuha ko ang paper bag at tinignan ang laman nito. "Thanks sa gamot." sabi ko habang pinapakita sa kanya yung binigay niya sakin.
"Kung makapagsalita si donya na bakit ka naglasing akala mo siya strong eh. Isa rin namang bagsak kagabi." pairap na sabi ni Ju.
Wag nilang sabihing mag aaway na naman sila ha! Lalayasan ko silang dalawa. Huwag na nilang dagdagan ang sakit ng ulo ko.
"Pwede ba? Masakit ulo ko. Huwag kayo mag away sa harap ko." pagmamakaawa ko sa kanila.
"Sino ba nagsabi sayo na mag aaway kami? Ano ka ba naman, Jho! Love na love ko kaya 'to si Jia." sabi ni donya habang yumayakap pa kay Jia.
"Oo nga. Ganyan talaga kami mag mahalan ni donya! Labyu!" sabi naman ni Jia.
"Kadiri kayo. Ang plastik haha."
Nang marealize nila yung sinabi ko ay humiwalay sila sa yakap at inirapan ang isa't isa. Walanjo. Pinagpag pa nila yung damit nila.
"Baka magka germs ako sayo, donya! Eww."
"Wow ha!? Sayo pa talaga nanggagaling yan??"
-____-
Bago pa ako masiraan ng pag iisip dahil sa kanilang dalawa ay pumasok na ako sa banyo para ayusin ang sarili ko.
"Jho, sumunod ka sa baba ha." Jia.
"Sabay sabay daw tayo kakain." Ate Ells.
"Okaaaaay!"
Habang nagsasabon ako, may naalala akong nangyari kagabi.
"Beh, bakit diyan ka hihiga? Tabi na tayo." Sabi ko kay Beatriz. Para naman kasi siyang others. Kasya naman kami sa isang kama bakit kailangan pa lumayo?
BINABASA MO ANG
Being WRONG for the RIGHT one
Fanfiction"Kahit na sabihin nilang mali ang mahalin ka, hindi ako mapapagod na ipagsigawan sa kanila na mahal kita" BEA.