KABANATA 18

1.8K 33 10
                                    

JHO

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa labas ng kwarto.

Pero teka nasaan si bea? Kagabi lang katabi ko 'yun matulog, eh? Ang galing naman dahil iniwan niya ako -__-

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay pumunta na ako sa kitchen para hanapin si bea.

"Goodmorning..." bati ko sa kanila at binati din naman nila ako.

Gusto ko sana itanong si bea sa kanila kaso mukhang hindi rin nila alam kung nasaan 'yung isang 'yun.

"Jhow..." bulong sa akin ni juju.

Hinarap ko naman siya at binigay niya sa akin ang isang papel.

"Pinabibigay ni bea" ahhh. Tinanggap ko naman agad 'yung papel.

Ano na naman ito?

"Kayong dalawa ha... Umamin ka nga sa akin, ano meron sa inyo?" tanong niya kaya napakunot 'yung noo ko.

"Bestfriends.." sagot ko.

Bestfriends lang naman kasi talaga kami 'di ba?

Sadyang marami lang alam na kaharutan si beatriz kaya nagmumukhang may something pero hindi ako aasa sa mga sinasabi niya!

Mahirap na kung mafall ako tapos hindi pala pareho 'yung nararamdaman namin. Tsaka paano ako maffall dun eh hindi pa nga ako nakakamove on kay nico, duh!

"Bestfriends..." may halong pang-aasar sa tono niya.

"Ewan ko sa'yo, ju!" sabi ko sa kanya tsaka siya iniwan sa kusina.

Tinamad na ako kumain :(

"Goodmorning! But you know what? Mas maganda ka pa sa umaga, beh! Sorry, hindi na ako nakapagpaalam sa'yo kasi nagmamadali rin ako. May important appointment kasi ako. But anyways, thanks for taking care of me last night! :) labas tayo mamaya. I love you! See you! -b" basa ko dun sa binigay na papel ni ju sa akin kanina.

Buti naman may pa-note siya dahil kung wala ay mag-aalala na naman ako kung saan siya nagpunta.

Pero, ano kaya 'yung important appointment na sinasabi niya? Masyadong mysterious, huh.

"Jho, papasok ako!" sigurado ako na si jia ang nagsabi niyan.

Binuksan niya 'yung pinto at nagulat ako dahil may dala siyang pagkain?

"Ju, may lamesa naman dun sa baba bakit hindi ka dun kumain?" pagdating kasi sa kanya ay madaldal ako. Kumportable na rin ako sa presensya niya, eh.

Magkakilala naman na kami ni ju bago kami pumasok sa ALE pero mas naging close kami ngayon.

Binatukan naman niya ako pero syempre mahina lang.

"Dinala ko 'yan para sa'yo..." Yiee ang sweet naman ng morado ko.

"Hala! May sakit ka ba?" pang-aasar ko naman sa kanya.

"Nakakainis to! Bahala ka na nga dyan!" sabi niya pero hindi naman lumabas sa kwarto.

"Bakit naman ang sweet mo?"

"Basta, kailangan ubusin mo 'yan ah" nakangiting sabi niya. Weird niya.

Bigla naman nag ring 'yung phone niya kaya medyo lumayo siya sa akin pero rinig ko pa rin naman.

"Oh?....oo nga....kumakain na nga siya.....basta 'yung pasalubong ko ha.....sige sige" sino naman kaya kausap neto?

Pero bahala na, sweet sa akin si jia ngayon kaya uubusin ko ang pagkain na dala niya.

Being WRONG for the RIGHT one Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon