KABANATA 3

2K 33 0
                                    

BEA

Oo na, wala na akong karapatang mainis sa kanya dahil una; wala naman siyang sinabi na hintayin ko siya, pangalawa; hindi ko siya tinulungan sa pagkakatapilok niya or whatever at pangatlo; hindi niya responsibilidad ang magkaroon ng pake sakin. Yes, sakin wala pero sa first task namin sana naman meron siyang pake. As partners, we should work on this together. Anoman ang butas na makita sa kanya, para na rin sakin 'yon. May mali man sa nagawa ay pareho naming kasalanan 'yon. Nainis lang ako dahil parang nawalan siya ng pake, I texted her! Hindi man lang marunong mag reply! Bakit pa siya nag cellphone 'di ba? Kainis.

Makalipas ang isang araw at matapos ang sagutan session namin ay nagkaayos at nagkasundo na rin kami na less ayaw more gawa.

Flashbaaaaaack

Hindi ko aakalain na matatagpuan ko ang sarili ko na nakatayo sa labas ng condo unit niya. Paano ko nalaman? Wong-De leon connection.

*knock knock*

It's still 8 in the morning pero gising na gising ang diwa ko. Pagod na rin kasi ako makipag-away sa kanya kaya 'eto na, magso-sorry na ako. Ayoko na palakihin pa.

Pareho kaming nagulat sa isa't isa. Ako, dahil naka-pajama siya at loose shirt. Messy ang buhok at naghihikab pa, siya? Kasi ganitong oras ay may dalaw siyang damulag - ako. Sinara niyang muli ang pinto kaya lalo akong nagulat ngunit binuksan din naman agad.

"Ano ginagawa mo dito?"

"Papasukin mo kaya muna ako?"

"Sagutin mo muna ako."

"Manligaw ka kasi para sagutin kita." and swear to the man up there, nakita kong ngumiti siya at namula.

Omg, this is the first time I saw her blush and smile, a genuine one.

Hindi na siya nagsalita at sumunod akong pumasok sa unit niya. Nagsabi siya na mag-a-ayos lang daw siya at bahala na akong kumuha ng pagkain sa ref niya pero imbis na maghanap ng pagkain ay hinanda ko ang dala kong pagkain. Tinulungan ko si Mommy na maglutilo ng pagkain na dadalhin ko kay Jho para naman maramdaman niyang sincere na ko this time.

Nilibot ko ang aking paningin. Sakto lang para sa tatlong tao ang laki ng unit niya. Malinis naman at maayos ang pagkakasalansan ng mga gamit. May mini table sa sala, may carpet at sofa bed rin. Kaunting lakad pakanan ay makikita ang kusina na may mini bar, sa tabi ay ang cr, mayroong dalawang kwarto. At malay ko kung ano pa ang mayroon sa kwarto, pero sa labas, it's just a typical unit. May picture frame niya, bata pa lang siya ay mahilig na siya sa pagkuha ng litrato, may nakita kasi akong album na halos lahat ay kuha niya and I'm impressed! Magaling siya.

"Hoy, Sungit, ano 'yang pini-picture-an mo sa album ko?" panira ka ng moment, alam mo yon?

"Wala, panget mo kaya" pag-deny ko pero ang totoo ay kumuha ako ng isang picture niya doon nung maliit pa siya.

"Aish, ano.. Bakit ka ba kasi nandito? Galit ka sakin 'di ba kasi hindi ako sumipot tapos paano mo nalaman na dito ako nakatira? Ikaw ha, nagdududa na ako sayo." natatawa na lang ako sa sunod-sunod na tanong niya.

"Kain muna tayo, gutom na ako."

Sabay kaming kumain at walang nagsasalita. Halatang may gusto siyang sabihin kaso pinipigilan niya.

"Spill it, baka bumaho dito."

"Ang sarap, ikaw nagluto?"

"Uhmm, partly yes, I asked my Mom if she can cook for you and she said yes, so yeah, pinagtulungan namin 'yang kinakain mo ngayon." nanlaki ang mga mata niya, cutie 0---0

Being WRONG for the RIGHT one Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon