KABANATA 21

1.6K 39 6
                                    

A/N: Kung sinoman ang may kuha ng litrato para sa kabanatang ito, maraming salamat sa'yo. Credits to you! 😉

BEA

Mabilis na lumipas ang mga araw. Nagtataka nga ako kung bakit mabilis eh, kasi dapat mabagal lang dahil sa loob ng halos dalawang linggo ay hindi ko man lang nasilayan si Jhoana. Kahit gustong-gusto ko siyang makita ay tiniis kong huwag siyang puntahan maski tawagan o i-text man lang. Kaya ang laki ng pasasalamat ko kay Ate Ells at Jia dahil sila yung nagiging daan ko para malaman kung okay ba si Jhoana.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ko kailangan gawin to? Kung bakit kailangan pati ako umiwas sa kanya? Syempre isa na dun ay dahil gusto kong suyuin niya ako at gusto ko rin i-evaluate yung feelings ko sa kanya. Baka kasi hindi naman talaga pagkagusto yung nararamdaman ko sa kanya. Baka simpleng paghanga and sort of appreciation dahil palagi siyang nasa tabi ko kapag kailangan ko siya. Baka masyado ko lang na-overview to something yung friendship namin kaya feeling ko may nararamdaman na ako sa kanya more than what I think.

Pero sa loob ng halos dalawang linggo na pananatili ko sa bahay at wala siya, lalo ko lang naamin sa sarili ko na gustong-gusto ko siya. Malapit man siya sakin o malayo, siya pa rin talaga yung sinasabi ng puso ko. Magkausap man kami o hindi, boses niya pa rin ang inaabangan ko. Boses niya pa rin ang pinakapaborito ko.

Miss na miss ko na siya.

Masyado rin kasi naka-focus si Jho sa final exams niya kaya hindi na siguro ako pumapasok sa isip niya. Kapag tinatanong ko kasi si Jia at Ate Ells, wala raw ibang ginagawa si Jho sa condo nito kundi kalikutin yung laptop niya para sa practical exam nila at kung hindi naman daw hawak ang laptop, nakatuon naman siya sa pagbabasa ng notes niya. Syempre wala naman akong laban kapag pag-aaral niya ang pinag-uusapan dahil kahit saan anggulo tignan, mas mahalaga yun kahit sa anomang bagay at tanggap ko yun. Para kasi sa future namin yun kaya suportado ko siya.

Hoy, Bea! Ano ba yang future na iniisip mo dyan eh hindi mo nga magawang aminin sa kanya yang feelings mo!?! Tsaka isa pa, hindi ikaw ang gustong makasama ni jho in the future kaya wag mo na paasahin ang sarili mo.

"Nalulunod ako sa katahimikan sa kwarto ng prinsesa ko." tinignan ko kung sino yung nagsalita at niluwa ng pinto si Dad.

He's smiling.

"Dad." tipid kong sagot dito.

He patted my head. "Still bothered about your finals week?"

"A bit, Dad."

Today is friday. After this week ay balik training na naman kami and back to normal na naman ang buhay ko. Sana pati kami ni Jho ay back to normal na rin.

Nung isang araw pa dumating si Dad and kami na lang ni mom yung sumundo sa kanya tho magaling naman na si kuya eh minabuti na lang din ni Dad na huwag siya pasamahin para may maiwan dito sa bahay.

"A bit? But your face is telling me isn't just a bit."

"Dad, yun lang po talaga." I lied.

Syempre kay Jhoana nga hindi ko masabi na gusto ko siya tapos sa tingin niyo ba masasabi ko yun agad sa Dad ko? No way.

Naiiyak ako dahil gustong-gusto kong sabihin sa pamilya ko lahat kaso ayokong ma-disappoint sila dahil alam kong kahit hindi nila sinasabi ay nage-expect pa rin sila sakin.

"You don't want to say something?" pangungulit ni Dad.

Ngumiti ako. A fake one. "Dad talaga!"

He seat in front of me and look at me in the eyes.

Parang biglang bumigat yung atmosphere between the two us. And parang uminit kahit may aircon naman sa room ko.

Being WRONG for the RIGHT one Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon