KABANATA 23

1.6K 34 2
                                    

BEA

Hindi pa rin ako pinapansin ni Jho hanggang ngayon. Noong nakaraang linggo lang hindi kami okay tapos ito na naman. Nandito kami sa dorm. Nagku-kuwentuhan dahil miss na namin ang isa't isa. Katabi ko ngayon si Jia at sa tabi niya ay si Jho. Napapatingin ako sa kanya. Kapag mapapansin niyang titingin ulit ako, iiwas na agad siya ng tigin sakin.

"Bei, kamusta naman sa Palawan?" nakangising tanong sa akin ni Jules.

"Okay naman." pagod na rin kasi ako kaya kaswal lang ang sagot ko. Walang halong excitement o kahit ano sa tono ko. Tsaka hindi maalis sa isip ko si Jho.

"Share naman diyan!" kantiyaw ni Ponggay.

Kinalabit ko si Jia gamit ang paa ko at buti na lang ay na-gets niya ako. Ayoko muna kasi pag-usapan ang nangyari sa Palawan, gusto ko na si Jho ang unang pagku-kuwentuhan ko ng lahat pero mukhang wala talaga siyang balak na pansinin ako.

"Guys, laro tayo." sabi niya para ma-divert sa iba ang usapan. Hindi naman napansin ng iba 'yon at agad silang pumayag.

Matapos namin maglaro ay kaniya-kaniya kaming pumunta sa room namin. Naabutan ko si Jho na nag-aayos ng kama niya. Tumingin siya sakin pero agad niya rin iniwas ang tingin niya.

Lumapit ako sa kaniya. Niyakap ko siya mula sa likod. I missed her so bad.

Buong akala ko ay tatanggalin niya ang kamay ko but to my surprise, hinayaan niya lang akong yakapin siya.

Inamoy ko ang leeg niya dahilan para lumayo siya ng konti sakin. Hinila ko siya pabalik, ipinatong ko ang baba ko sa kaniyang balikat.

"I'm sorry, Jhoana." naiiyak na ako.

Hindi siya nagsalita. "Beh, nagpapamiss lang talaga ako. Sorry kung hindi ko naisip 'yong nararamdaman mo."

Hinarap niya ako. Sumingkit ang mga mata niya at nakaramdam na lang ako ng sakit sa braso ko dahil sa hampas niya.

"I appreciate your messages. Lahat 'yon pati mga threat mo."

She just glared at me. Natawa naman ako. I know ang baba ng dahilan ko para hindi siya kausapin ng isang linggo, but I only did that for myself. Binigay ko 'yong isang linggo sa sarili ko na walang iniisip na Jhoana. It may be sound so selfish, pero isa lang ang napatunayan ko, tama si Dad. Jhoana is worth taking the risk.

Naalala ko ang naging pag-uusap namin.

"You know yourself, anak." sabi niya pa at kumindat sakin.

"Dad?" naguguluhang tanong ko.

"It's now or never..." dagdag niya pa.

Pero ang mas ikinagulat ko ay ang huling sinabi niya bago siya umalis sa tabi ko at lumabas sa aking kwarto.

"Anak, I know that she's a very lucky girl."

"Anak, I know that she's a very lucky girl."

Being WRONG for the RIGHT one Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon