JHO
"Class dismissed" sabi ng terror prof namin ngayon. Hay salamat!
Kanina ko pa gustong-gusto kumain dahil sabog na ako sa 3 straight subject ko ngayon.
It's 4 in the afternoon pero hindi pa rin nagrereply si Bea sa mga text ko sa kanya. Akala ko kasi magpapakita siya sakin after class para ituloy yung lakad namin kahapon kaso walang Bea na sumulpot.
"Bahala na nga siya." bulong ko sa sarili.
"Uy, sino ang bahala?" anak ng!
"Bakit ba bigla ka na lang sumuslpot, Ju?"
"Atleast ako sumusulpot. Eh, yung kanina mo pa hinahanap, ano? Nganga!" sabagay, may point siya.
"Dun ka na nga!" asar ko sa kanya.
"Tara, libre kita."
Hinipo ko naman agad yung noo niya. Bakit nagiging sweet ang isang to? Hay nako, may himala pala talaga! Joke.
"Bakit bumabait ka, ju?"
"Mabait talaga ako! Ikaw lang naman yung hindi, eh" binatukan ko nga.
"Ang kapal! May kailangan ka sakin, no? Kaya mo ako ililibre?" this time ako naman nakatanggap ng batok mula sa kanya.
"Hoy, Maraguinot hindi ako Jhon Michael! Huwag ka nga!"
Jhon Michael?
"Huh? Ano?"
"Jhon Michael, nanJhon lang pag Michaelangan ganun"
"Shet, ang bago ng banat mo bakla!"
"Eh, hindi mo nga alam yun?" sabay belat sakin.
Para kaming bata hahaha.
Umalis muna si Jia para bumili ng pagkain namin kaya naiwan ako sa field mag-isa. Sobrang relaxing ng hangin at mga ulap dahil hindi masyadong mainit ngayon.
Sana palagi na lang ganito. Yung kalmado lahat ng bagay na nakapaligid sakin kasi ang sarap sa pakiramdam. Sobrang gaan lang ng lahat.
"May papikit-pikit ka pa dyan!" sabi ni Jia pagbalik niya sa field.
Waah kwek kwek.
Hindi ko naman sinabi sa kanya na nagke-crave ako dun pero yun binili niya. Good choice! Ang galing ng taste ni Jia. Nabasa niya ba yung nasa isip ko? Lol.
"Hoy, jho. Baliw ka na? Anong nakakatawa?"
"Ang galing lang ng taste mo. Kagabi pa kasi ako nagke-crave sa kwek kwek, eh."
"Syempre bilin yan sakin ni Bea." bulong niya. A-ano raw? Hindi ko kasi masyado narinig dahil may dumaan na eroplano.
"Ano yun?"
"Wala, sabi ko parang gusto ko pa bumili ulit."
"Grabe, ang takaw mo! Ang dami na nga neto, oh. Kulang na lang nga ubusin mo yung tinda nila sa dami nito." paliwanag ko sa kanya.
"Syempre pera ni Bea yan. Alam mo naman na ayaw kang nagugutom ng isang yun!" bulong na naman niya.
Kelan pa naging bubuyog to si jia? Ang alam ko maingay siya pero ngayon halos hangin mula sa bibig niya lang naririnig ko.
"Nagtext na ba sayo si Bea?" tanong ko.
"She said she's fine. Kaya naman niya sarili niya, Jho. Hayaan mo na lang muna." seryosong sabi niya.
BINABASA MO ANG
Being WRONG for the RIGHT one
Fanfiction"Kahit na sabihin nilang mali ang mahalin ka, hindi ako mapapagod na ipagsigawan sa kanila na mahal kita" BEA.