JHO
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Nico.
Tinignan ko siya at pilit na ngumiti.
"Ano ba 'yang gumugulo sa'yo at bakit ang tamlay mo? Tell me, Jhoana." yung totoo? Wala naman talagang gumugulo sa akin, eh.
I only want lambing.
"May sakit ka ba?" he put his hand on my neck and forehead to check if i have a fever. Nah, alam kong wala.
"Nico, kamusta kayo ni Bea?"
"Ha?"
"Ikaw tsaka si Bea."
"Don't tell me nagseselos ka?"
"Hindi."
"Okay naman kami ni Bea, I mean we're super okay and if that's bothering you, I assure you that me and Bea's fine" sana kami rin.
"Okay haha."
"Sus, 'yon lang naman pala. Kung iniisip mo na hindi boto sa akin ang best friend mo, don't worry I know Bea's on my side" kumindat pa ang loko. Kampante talaga siyang gusto siya ni Bea para sa akin.
"Nag-away ba kayo?" nag away nga ba kami? Huli kaming nagkita ay noong hinatid niya ako sa condo bago siya umuwi sa bahay nila. That is exactly the day when I finally said to her na balak kong sagutin si Nico.
After that, hindi na kami nag-usap ulit. Minsan okay kami pero madalas hindi. Nagtataka na rin ako sa sarili ko kung bakit ganito ako kapabebe pagdating sa kaniya pero hindi ko naman malaman ang sagot.
"I'll fetch you later, my Jhoana." sabi niya at niyakap ako ng mahigpit bago ako halikan sa noo.
"Yes, boss. Ingat ka." nag-wave ako sa kaniya at tuluyan na siyang umalis.
Papasok ako ng gym ng makita ko si Juju.
"Yow, Jowana." bati niya sakin sabay akbay. Akala mo ang tangkad niya, eh.
"Payowyow."
"How's life?"
"Okay naman. You?"
"Maganda pa rin."
"Nasusuka ako bigla."
"Napakamo rin eh, 'no? Thank you sa support." Hahahahaha.
"You're welcome." binelatan ko siya.
Ngayon iaannounce kung sino ang magkakasama sa room. Dapat kasi noong isang araw kaso nagkaroon ng conflict sa pag-aayos ng gamit and the like.
Nasaan na kaya si Bea?
"Beadel is in the house!" biglang sabi ni Juju. Parang kanina iniisip ko lang siya.
"Ju, this is gym not a house." bully mo. Ang aga aga napakasungit.
"Huwag mo ko tarayan, ha!" aw palaban.
"Then stay away from me." oh-ohh. Mukhang wala talaga siya sa mood. And you know what's weird? Tumingin siya sa akin habang sinasabi 'yan kay Juju.
Para sa akin ba 'yon? Kasi kung oo, ang sakit lang. Ang sakit-sakit dahil hindi ko alam kung ano ang dahilan niya para layuan ako.
"Ah ganun, Bea? Matapos ang lahat ng pinagsamahan natin? Matapos kitang bigyan ng advice at ---"
"Love you, Ju!" niyakap niya pa si Juju. Nako, hindi ko gusto ang nakikita ko.
"Awww." sabi ni Bea. Kinurot kasi siya ni Jia.
BINABASA MO ANG
Being WRONG for the RIGHT one
Fanfic"Kahit na sabihin nilang mali ang mahalin ka, hindi ako mapapagod na ipagsigawan sa kanila na mahal kita" BEA.