KABANATA 13

1.9K 49 24
                                    

BEA

"All i want is your happiness chuchu.. and kung dyan ka kay nico masaya at sasaya, go for it. Bei, ano yon?" Kanina pa ako kinukulit ni juju dahil sa sinabi ko kay jho.

I don't see anything wrong with what I've said.

Gusto ko naman talaga sumaya si jhoana eh at alam kong kahit nasasaktan siya kay nico ay dun pa rin niya mahahanap yung saya na gusto niyang maramdaman ulit.

Wala na akong magagawa para baguhin yung desisyon ni jho dahil alam kong pagkatapos ng bonding ng team kagabi ay babalik pa rin naman siya kay nico.

Why? Because people literally don't unlove someone they love. Dumadating lang talaga sa punto na kapag nahanap na natin yung tamang tao para sa atin ay mas nattrigger yung feelings natin for that person but it does not mean na nawala yung pagmamahal mo sa ex mo, care is always there. And caring is somehow a form or maybe a foundation of loving someone.

And i can feel that jho is still into nico. Because she's a type of girl na hindi papasok sa isang relationship until she's not sure about it. Pag-iispan niyang mabuti lahat ng gagawin niya towards a guy. Futuristic kasi masyado si jhoana so baka nakita na niyang mangyayari 'to sa kanila ni nico.

Basta ako ang gusto ko lang ngayon ay sumaya siya. At ang tanging makakapagpasaya sa kanya ay ang makita niya muli si nico.

Sabihin niyo na ang tanga ko kasi parang sumusuko na ako kay jho pero eto yung dapat kong gawin. Kaysa naman makita ko siya na palaging nalulungkot at umiiyak kasi miss na miss niya si nico edi mas magandang sabihin sa kanya na "go for it" diba?

And to tell you honestly, hindi ko pinagsisisihan na sabihin yon sa kanya. Kasi alam kong yon ang gusto niyang marinig mula sa akin.

"May kausap pa ba ako dito?" napabalikwas ako ng marinig si juju. Lumapit pa siya sakin and snapped her fingers to my face.

"Ju, that's the right thing to do"

"What?! No! Can't you see, sumasang-ayon sayo yung tadhana. This is what you want right? Bakit pinapaubaya mo pa siya kay nico?" napakaingay talaga niya. Buti na lang at kaming dalawa lang ang tao dito sa dorm dahil yung iba may klase pa.

Gaya ng sabi ko kanina, simula umaga kasi kinukulit na ako ni jia sa mga sinabi ko kay jho kahapon pero hindi ko siya pinapansin kasi nga alam kong maingay siya at baka may makarinig.

Pero dahil kami na lang naman ang tao ngayon ay pinagbigyan ko na siya. Kahit naman kasi makulit at maingay yan si juju eh sobrang nakakatulong siya sa pag-iisip ko.

Madalas nga lang ay nakakagulo lalo pero still may nare-realize naman ako.

"But i want her to be happy, ju. And i know that only nico will be her happiness" huminga ako ng malalim pagkatapos kong sabihin yon.

Ang sakit kasi na alam mong may ibang magpapasaya sa taong mahal mo.

"Hindi mo ba nakita sa mata niya yung saya niya kagabi? Yung kinang sa mata niya habang kinakantahan natin siya? She even cry with so much happiness. Hindi mo ba napansin yon?"

Alam kong masaya siya. Ako pa nga yung nagtanong sa kanya 'di ba? At nararamdaman kong totoo 'yung sagot niya. Totoong masayang-masaya siya.

Kaso i didn't take the risk to look at her in the eyes. Maybe once but it didn't took me so long. Hindi ko kayang titigan siya ng matagal kagabi dahil baka mandaya na naman ako.

Baka makalimutan ko na may kailangan pa silang ayusin ni nico at bigla ko na lang siyang angkinin.

Natakot ako sa pwede kong gawin kapag tinitigan ko siya sa mata. Kaya naging sungit mode na lang ako kagabi para mawala sa isip ko ang mandaya.

Being WRONG for the RIGHT one Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon