Credits to the owner of the pic for this chapter! Thank you, kung sino ka man! 😀😇---------
JIA
WHAT THE HELL?
TOTOO BA 'TONG NAKIKITA KO?! Bea with the Palawan Guy? Damn. What's his name again? Ugh. I can't remember.
Hala Jia? Kailan ka pa nag english ha? Pero kasi naman! Nakakaloka talaga. Pumasok si De Leon sa gym kasama yung Palawan guy na buhat buhat yung gym bag ni Bea at ang mas nakakagulat pa ay magkahawa sila ng kamay?!
Nakita na kaya 'to ni Jho? Ni Maddie? Nila Ate Ly? Pota! Hindi kinakaya ng beauty ko si Bea. Nak ng! Nung isang araw lang nilibre niya pa ko sa Mall tapos pinoproblema niya si Jho tapos ngayon iba na?
"Ju!" nawala ang iniisip ko ng biglang sumulpot sa harap ko si Jho. Paksyet. Hindi niya dapat makita 'to. Pero ano naman kung makita niya?
Winawagayway pa sakin ni Jho ang kamay niya. "Ano ba tinitingin mo diyan?" haharap na sana siya sa gawi nila Bea pero mabilis pa sa alas kwatro kong hinawakan ang kamay niya at hinila siya papuntang shower room.
Sorry na. Ito pinakamalapit na room na pwedeng pagtaguan para hindi niya mabuko si Bea. Lol. Wala naman silang relasyon.
"Ano ginagawa natin dito? Bakit pawis na pawis ka? Hindi pa nagsisimula yung training pero yang mukha mo parang pagod na? Ano, 'te? Natatae ka?" sunod-sunod na sabi nito habang nakapamewang pa. Ulul. Natatae ka diyan! Dapat mo kong pasalamatan dahil hindi ayoko lang masaktan ka.
"Ah-ah, eh... Oo, natatae ako. Bantay ka lang diyan, ha? Huwag kang lalabas diyan, Jho!" pagkasabi ko nun ay agad akong pumasok sa cubicle. Nanatili ako sa loob ng mga ilang minuto at nang makutuban ko na baka wala na si Bea at yung kasama niya ay lumabas na ako.
Hinanahap agad ng mata ko si Jho at natagpuan ko siyang nakaupo. "Tara na."
Tumayo ito. "Ang bilis mo naman? Wala pang five minutes yun, eh?" anak ng! Huwag niyang sabihin sakin na pati pagtae ko inorasan niya? Nakakatawa talaga 'to si Jho!
"Inorasan mo ako?"
"Huh? Hindi! Eh parang kakapasok mo pa lang kasi tapos lumabas ka agad."
"Matagal yun. Hindi mo lang napansin kasi naglalaro ka ng games." palusot ko. Buti na lang hindi niya nahalata na nagsisinungaling lang ako.
Nang makalabas kami sa shower room ay nakapila na yung teammates namin kaya nagmamadali kaming tumakbo ni Jho para sumama sa pila.
"De Leon, may utang kang kwento sakin. Tandaan mo yan!" sabi ko ng makalapit ako sa kanya. Hindi siya tumingin sakin pero alam kong narinig niya yung sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Being WRONG for the RIGHT one
Fanfiction"Kahit na sabihin nilang mali ang mahalin ka, hindi ako mapapagod na ipagsigawan sa kanila na mahal kita" BEA.