BEA
"Mukhang maganda ngiti natin ah"
Bungad ni ate ella ng makita niyang pababa ako sa hagdan. Kagabi ko pa kasi hindi maalis sa labi ko sinasabi niyang magandang ngiti, eh.
"Sakto lang naman ate ells!" pagtanggi ko sa kanya. Ayoko kasi na magpaliwanag dahil masyadong maaga para dun. Tsaka isa pa, hindi ko nga alam kung bakit ako nakangiti, eh. So, I don't even know what to explain.
"Naglilihim na baby besh natin, oh!" tumakbo siya sa kusina habang tinuturo ako kila ate ly at ate den. Buti na lang hindi lumindol. Lol.
Dahan-dahan naman akong sumunod sa kanya sa kitchen. Si jia at jho na lang ang wala. Bago ako bumaba nakita ko si jho na nag-aayos ng gamit niya. At si jia naman hindi ko alam kung nag-aayos na ba ng gamit niya o baka naghihilik pa.
Lumapit sa akin si ate ly pagkarating ko sa kusina. Binangga niya 'yung braso ko ng mahina. Basta 'yung bangga na may halong pang-aasar? Ganun ang ginawa niya. "Ikaw, ha! Baka nakakalimutan mo, may usapan tayo" sabi niya sabay kindat sakin.
Syempre naman hindi ko makakalimutan 'yun. "Bakit, may suspect ka na ba, ate ly?" bulong ko sa kanya.
Tinignan niya lang ako at nag taas-baba ng kilay sa akin. Aba! Mukhang hindi ko gusto 'yung galawang alysaa ngayon, ah! Joke.
Ano nga ba 'yung pinag-uusapan namin? Kung nagbasa ka talaga at naintindihan mo dapat alam mo 'yun. Pero syempre sasabihin ko pa rin naman sa inyo. 'Di ba may usapan kami na aalamin niya kung sino 'yung nagugustuhan ko? Tapos kapalit nun ililibre ko siya.
"GOODMORNINGGGG" masiglang bati ni juju. Kahit kelan talaga ang ingay niya.
Sa likod niya ay nandun si jho. Sumulyap ako sa kanya pero agad ko ring iniwas ang tingin ko dahil baka makita niya pa.
"Goodmorning..." mahinahon na sabi ni jho. Ewan ko kung kelan sasabihin ni jho 'yung tungkol sa naging usapan nila ni nico kahapon sa team pero alam kong ayaw niya muna pag-usapan ang bagay na 'yun.
Gusto ko sana siya kausapin tungkol sa pag-uusap namin ni nico kaso nangako ako sa kanya na pag-alis niya tsaka ko na lang sasabihin.
Nagpatuloy kaming lahat sa pagkain at medyo nakikisabay naman si jho sa kulitan at asaran ng team. Masaya akong makita na pinipilit niya maging okay para sa team pero sana sa susunod para naman sa sarili niya.
Kanya-kanya na kaming pumunta sa gym para sa training namin. Kasabay ko dapat si jho kaso mas pinili niyang sumabay na lang kay deanna at jules.
After 3 hours ng training ay sa wakas naawa rin sa amin si coach at bingyan kami ng break for 30 minutes.
"Ju..." bulong ko sa kanya.
"Huwag mo ako pansinin" pagkasabi niya nun ay tinalikuran niya ako at nakipag-kulitan kay ponggay.
Ano problema nun?
"Ate bei, nakita mo si jhow?" ha? Eh kanina nandito lang 'yun, ah.
"Hindi ko napansin, eh" nagkibit-balikat na umalis si deanna. Nasaan na ba 'yun si jho?
Palabas na sana ako ng gym kaso napatigil ako dahil nakita ko si jho na nananalamin sa isang tinted black car. (Sorry, wala ko masyadong alam pagdating sa kotse -awtor)
Ang cutie niyaaaa :(
I just hope na walang tao sa loob dahil baka mahulog sila kay jho tapos maging hadlang na naman.
Napabalikwas ako ng bigla siyang napatingin sa gawi ko kaya bigla akong tumakbo pabalik sa tabi ni juju.
Pagtingin ko ay nasa likod ko na rin pala siya.
BINABASA MO ANG
Being WRONG for the RIGHT one
Fanfiction"Kahit na sabihin nilang mali ang mahalin ka, hindi ako mapapagod na ipagsigawan sa kanila na mahal kita" BEA.