BEA
SABAY kami pumasok ni Jho. Always naman noon kaso sabi nga nila 'di ba, walang permanente sa mundo kaya madalas ay hindi na kami nagkakasabay. Hindi ko na rin kasi ma-gets ang set-up naming dalawa. Oo, magkaibigan kami pero bakit nagkakaroon ng ilangan at hiyaan sa aming dalawa? Basta ang alam ko, kapag nandiyan siya ay masaya ako. Kumpleto na agad ang araw at gabi ko. Mag-away man kami o hindi, basta nasa tabi ko siya handa na akong salubungin ang lahat ng hamon sa buhay. Totoo 'yon, kasi nga siya ang nagpapakita sakin ng tamang gawain sa mundo na madalas ay nakaklimutan kong makita. That's why I'm blessed to have her.
"Kinakabahan ako, beh." natatarantang sabi niya. Sino ba naman kasi ang hindi? Eh, ngayon na namin malalaman kung sino ang mga nakapasok sa volleyball team, huhu.
"Ano ka ba, for sure pasok ka doon. Ang galing mo kaya!" Pagchi-cheer ko sa kanya. Totoo naman kasi na magaling siya, nagulat na lang ako na may talent pala si Jho sa paghampas ng bola.
"Sana pasok tayong lahat." sabi niya at pumikit pa. Simple gesture of her makes my heart melt. Hindi ko alam kung bakit.
"Whatever the result is, I got you, beh." sabi ko. Hindi ko magawang hawakan ang kamay niya o maski yakapin siya. Alam kong napapansin niya rin ang unti-unting pagbabago sa samahan namin pero ayokong sa akin manggaling ang "beh, parang may iba na sa atin" gusto ko siya ang magsabi. Lately kasi feeling ko hirap na siyang i-approach ako.
"Thank you." 'yong mga simpleng banat ko ay hindi na niya sinasabayan. Siguro nga ay mas magandang ganito na lang din. Dahil kung magpapatuloy ang pagiging sweet at clingy namin sa isa't isa ay baka makalimutan namin pareho ang salitang "control".
Pagbaba ng kotse ay nauna na siyang maglakad sakin. Hindi na niya hinintay na pagbuksan ko siya ng pinto. Masakit? Hahaha, oo. Kaso wala naman akong magagawa, eh. Pinili ko rin naman ang ganito.
"Waaaaaah! Pasok ka, Bei!!!" Sabi ni Maddie habang nakayakap sakin. Buti na lang ay nandiyan siya, kahit papaano ay nakakalimutan ko ang problema ko kay Jho.
Napatingin naman si Jho sa direksyon namin ni Maddie at ng makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay biglang siyang nag-iwas ng tingin.
"Ang galing mo, bes. Pasok ka din." pagbati ko kay Maddie. Hinila niya ako palapit kila Juju at Jho.
"Let's celebrate!!! Libre ko." Sabi niya. Natuwa naman kaming lahat dahil si maddie ang pinakakuripot samin. Kaya walang nagdalawang isip sa amin at lahat ay sumama.
Lahat kami ay nakapasok. Walang naiwan sa laylayan haha. Papunta kami sa parking lot ay si Maddie pa rin ang kasama ko. Syempre ay okay na okay lang sakin dahil miss na miss ko na ang super best ko.
"Uhmm Jho, samin ka ba sasabay?" Tanong ko sa kanya.
Umiling siya. So, hindi siya sasama?
"Jho, hindi ka sasama?" takang tanong ni Juju. Bakit, ano bang problema niya?
"Sasama. Hintayin ko na lang si Nico" Ah, kaya naman pala hehe.
"Sure ka? Pwede naman sumunod si Nico, eh. Sa amin ka na nila Bei sumabay tutal kasya naman tayo sa kotse niya."
"Oo nga naman, beshy. Tara na para sabay-sabay na tayo doon." sabi ni Jules na hihilain na si Jho.
"Truee, kaysa maghintay ka dito. Atleast doon while waiting busog ka na." mukhang pagkain ka talaga Ponggay.
"Tara na, jhow, i'll just text Nico na sumunod sa atin." sabi ni Deanna. Sa aming lahat, bukod sa akin. Si Deanna ang pinakaclose ni Nico. Para na nga silang magkapatid eh.
BINABASA MO ANG
Being WRONG for the RIGHT one
Fanfiction"Kahit na sabihin nilang mali ang mahalin ka, hindi ako mapapagod na ipagsigawan sa kanila na mahal kita" BEA.