KABANATA 10

2.1K 49 6
                                    

BEA

Maaga ako nagising ngayon. Sinadya ko talaga ang gumising bago mag 5 in the morning because I want to cook breakfast for my teammates. Gusto kong bumawi sa kanila lalo na kay Ate Den at Ate Ly.

Masyado na akong pabigat sa kanilang dalawa.

Dinagdagan ko pa ang kasalanan ko kagabi.

I did my best to cook egg, bacon, hotdog and fried rice for them.

I did all of those with love.

Aminado naman akong hindi ako marunong magluto kaya nag-search ako kung paano tho prito lang naman ang ginawa ko.

Naligo na rin ako at nag-ayos ng aking sarili.

At exactly 5:53AM ay natapos ko ang aking niluluto.

Tamang-tama lang dahil 6AM nagigising ang mga babae sa buhay ko. Hahaha.

"Ang bangooooo." buhay na buhay na sabi ni Kat.

"I love morning like this." dagdag pa ni Jules. Mukhang pagkain din ang isang 'yan, eh.

"Sino nagluto?" napakamot ako sa ulo ko ng magtanong si ate ly.

Usually kasi nagpapadeliver kami ng breakfast or sa labas kami kakain.

"Ikaw nagluto De Leon?!" Morado ang aga aga nakasigaw ka. Jusko, paano ka kinakaya ni miguel?!

"WAHAHAHA PWEDE KA NA MAG ASAWA BEI, ANG SARAAAAAP" the girl who doesn't need any introduction. Basta pagkain talaga eh.

"Hay nako jorella, lahat naman masarap sayo" basag sa kanya ni ate den.

"Ay oo nga no hehe pero masarap baby besh" tapos balik ulit siya sa pagkain.

Lumapit ako kila ate ly at ate den.

"Sorry, ate's" sinsero kong sabi.

Hindi man ako magaling magluto i know na walang kokontra na magaling ako gumawa ng coffee. Yeap!

Pero walang tatalo sa coffee ni jhoana.

I offered them the coffee i made.

Tinanggap naman yon ni ate den at ate ly. Buti na lang dahil kung hindi ay baka umalis na ako sa team.

Sobrang kahihiyan ang ginawa ko.

Niyakap nila akong dalawa. They are the sweetest.

Minsan iniisip ko na baka nagkaroon talaga ng something sa kanila. Haha.

"Sali naman kami dyaaaan!" ponggay said.

"Grabe may favoritism kayo" pagtatampo ni maddie. Syempre cute ako.

At isa-isa na silang lumundag sa amin.

Pagkatapos nilang kumain ay pumanik ako sa kwarto para tawagin si jhoana.

Alam kong bukod kay ate den at ate ly ay siya ang pinaka nag-alala sa akin kagabi. Kawawa naman ang beh ko.

"Beh" sabi ko habang niyuyugyog siya.

"Beh wakey wakey" hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at pinagdikit ang ilong namin.

Being WRONG for the RIGHT one Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon