JHO
MABILIS na lumipas ang araw. Parang kahapon lang ay natapos namin ang exhibit at naging successful naman 'yon. Ngayon ay nag-e-enroll na kami for second sem. Hindi ko rin alam kung paano kami nakasurvive na org plus acads pero napagtagumpayan namin! Nadagdagan din ang mga kaibigan ko. Sila Maddie, Ponggay, Jules, Wong, Juju, miguel at Nico ay mas naging close kami sa isa't isa. Palagi kaming nagkakasama. Kung paano? Dahil kay Bea. Masyadong famous at friendly ang isang 'yon kaya hindi mahirap mag- adjust sa kanya kung may bago man siyang kaibigan. At sa aming dalawa? Mas lalong lumalim ang pagkakaibigan namin. Ewan ko kung kaibigan pa ba talaga pero si Bea kasi parang may iba palagi sa kanya. Gaya noong isang araw, tinanong ko siya kung may nagugustuhan na ba siya. At alam niyo kung ano sabi sakin?
*flashbaccckkk*
Nandito kami ngayon sa library para mag-aral. Yes, kahit naman busy kami sa kanya-kanyang org ay hindi namin pinababayaan ang acads namin. Org is life but acads is lifer and food is lifest.
Medyo hindi kami nagpapansinan ni Bea, ewan ko rin kung bakit nagiging ganito kami lately. Dati naman sobrang clingy namin pero ngayon may awkwardness at hiya na sa isa't isa. Malay ko ba, hindi ko rin magawang i-approach siya minsan kasi nga NAHIHIYA AKO! Dati naman hindi ganito.
Dumating si Jules kasama si Deanna at lumapit samin. Actually, kasama namin si Juju at Nico kaso may pag- uusapan daw 'yong dalawa kaya lumayo.
"Yow, wassup!" sabay na bati ni Deanna at Jules samin pero si Bea tahimik lang. Ako ngumiti sa kanila.
"Seryoso niyo naman masyado!" Naging makulit na rin ang babybubot kong si Deanna. Nahawa na kay Jules at Ponggay.
"Guys, may kausap pa ba kami dito?" Sabi ni Jules habang winawagayway pa ang kamay niya sa mukha namin ni Bea. Tinignan siya ni Bea ng masama. Hala, lagot ka.
"Ginagawa ko sayo, Bea?" Matapang na saad ni Jules. Go, ineng!
"Ingay mo!!" Sabi ni bea at balik sa pagbabasa ng notes niya. Naiintindihan kaya niya ang sulat niya? Lol.
Dumating naman si Ponggay at lumapit din samin. Mukhang malungkot siya at wala sa sarili kaya nagtanong si Jules kung okay lang ba siya pero hugot ang sinagot nito.
"Sana nga ganoon lang kadali ang magsabing okay ka kahit hindi. I need yakult!" Ano naman kinalaman ng yakult sa drama niya? Nako, 'te girl.
"Yakult?" Naguguluhang tanong ni Deanna.
"Para everyday okay huhu buti pa yung yakult, eh, samantalang ako 'eto nasasaktan dahil nagmahal" oh oww. Why u do this, yakult?! Wawa naman Ponggay namin. Lumapit kami sa kanya and gave her a hug. Maliban kay Bea na wala pa ring pakialam sa nangyayari.
"Bea, wala ka man lang bang sasabihin? I'm in pain, Bei. Huhuhu."
"What did I tell you? Tigilan mo na 'di ba kasi alam kong papaasahin ka lang, hindi ka nakinig. Your choice, not mine."
"I-hug mo koooooo." sabi ni Ponggay at natawa naman si Bea ng slight. Masyado siyang straightforward. Kapag may gusto siya sasabihin niya. Ganoon din kaya siya kapag may gusto siya sa isang tao? I mean, 'yong sasabihin niya agad? Kasi para sakin nakakakaba 'yong ganoon. Matapos yakapin ni Bea si Ponggay ay nagyaya itong kumain. Pero dahil busog pa ako ay humindi ako. Nagulat pa nga sila eh pero kailangan ko din kasi mag-aral dahil may quiz kami mamaya. Kaya naman kami na naman ni Bea ang naiwan dito.
"Beh...." sabi ko.
"Ow?"
"Just want to ask something." ano ba ito? Bakit napapa-english ako?
BINABASA MO ANG
Being WRONG for the RIGHT one
أدب الهواة"Kahit na sabihin nilang mali ang mahalin ka, hindi ako mapapagod na ipagsigawan sa kanila na mahal kita" BEA.