JHO
Nagising ako dahil sa maliwanag na ilaw na tumama sa aking mukha.
Liwanag na mula kay haring araw.
Ngunit ang hari ng puso ko'y wala pa ring paramdam.
Nico, ano na ba ang nangyayari sayo?
Bago ko ipikit ang aking mga mata kagabi ay tinext ko siya na kasama ko si bea at nandito kami sa batangas. At kung gusto niya ay puntahan niya ako rito upang makasama rin niya sila mama at makilala ang mga pinsan ko.
Pero wala akong natanggap na kahit anong reply.
Ang bigat bumangon dahil nasanay ako na may goodmorning message sa akin si nico.
Hindi man mahaba pero puno naman ng pagmamahal.
Dapat akong mag demand sapagkat alam naman namin ang nararamdaman ng bawat isa.
Sa kanya ako at akin siya pero walang label.
Syempre ay hihintayin ko muna na magtanong siya dahil paano ako sasagot sa kanya kung wala naman siyang tinatanong sakin. Parang tanga lang.
Hindi niya ako hinatid at sinundo kahapon, ayos lang.
Inintindi ko na baka may family meeting sila para sa business nila.
Tinaggap kong walang text mula sa kanya magdamag.
Ngunit pangalawang araw na, may family meeting pa rin ba sila?
Inaamin kong pagdating kay nico ay hindi ako masyadong nangangamba dahil kampante akong 'ako lang'.
Kailanman ay hindi niya ipinaramdam sa akin na may kahati ako sa kanya. At maski ang magkaroon ng dahilan para magamba ako ay wala.
Mahal ako ni nico. May tiwala ako sa kanya kaya ayokong maghinala sa dalawang araw na hindi niya pagpaparamdam.
At saka mahaba pa ang araw. Baka mamaya ay tumawag na rin yon.
To: paps💘
"Goodmorning po! 😊 dito pa rin me batangas with fam! Sunod ka if u can! Ily boss! 😀"
Pinalitan na rin niya ang pangalan niya sa contacts ko. From 😝 to 💘 realquick.
Basta ay hindi ako nagkulang ng pag update sa kanya.
Pagbangon ko ay nakita ko ang isang note sa aking side table.
"Goodmorning! Sorry for not waking you up. Ganda mo kasi while sleeping eh hehe. I'm here at the kitchen, i want to help tita lovel for preparing our food. Ciao!" -b
Napatingin naman ako sa wall clock. Grabe naman pala ang haba ng tulog ko. It's 11:33 in the morning. At sigurado akong tapos na silang magluto ni mama. Sayang at hindi ko nakuhanan ng picture.
Inayos ko ang aking sarili bago bumaba. Sa hagdan pa lang ay naririnig ko na ang ingay ng aking mga pinsan na dito nag sleepover. Yung iba kasi umuwi rin agad after kainan.
"Late morning ma hehe" nahihiyang sabi ko kay mama kahit na madalas ay ganitong oras naman talaga ako magising noong dito pa ako nakatira.
"Goodmorning, nak! Kain ka na"
"Ay sabay na po kami ni bea ma, tawagin ko na po siya. Saan ba siya ma?" siguro ay nakikipaglaro sa mga pinsan ko.
"Ay nako kumain na si bea dahil napilit ni ali. Mukha ngang close na close na yung dalawang yon eh haha kaya ikaw palagi mong imbitahin si bea lalo na kapag may okasyon dito sa bahay" masayang pagbabahagi ni mama.
BINABASA MO ANG
Being WRONG for the RIGHT one
Fanfiction"Kahit na sabihin nilang mali ang mahalin ka, hindi ako mapapagod na ipagsigawan sa kanila na mahal kita" BEA.