Chapter 15
SAMANTHA
Nitong mga nakaraang araw, mas nagiging komportable na akong kasama sila Red, Sage, Zae at Eve. Mas nagiging okay na akong kasama sila. Mas nagiging malapit kami sa isat isa, parang sila Veronica lang kapag kasama ko sila, mga kaibigan ko na nandiyan lang.
Literal na laging nandiyan, utos man ni Venon o hindi.
Speaking of Venon, nakakabuwisit siya. Nakakapikon! Hindi ko malaman kung ano ba ang gusto niyang mangyari! Letsugas nayan. Parang may ibat ibang tao sa iisa niyang katauhan! Parang ang sweet niya lang tapos makalipas lang ilang oras snober na ulit siya, cold tapos masungit! Nakakaimbyerna nayan.
Tulad kanina! Siya ulit nagpaligo sa akin--tinulungan niya ulit akong maligo! Sabi ko sa kanya hindi na niya kailangan pang gawin iyon dahil kaya ko naman na, hindi naman na ganoong kalala ang sugat ko sa likod kasi syempre diba? Ilang araw nadin ang nakalipas, nakalipas na din ang sugat ko, pero! Ang sabi niya hayaan ko lang daw siyang alagaan ako dahil gusto niya.
Para sakin ang sweet niya habang iniisikaso ako non tapos ayon! Boom! Nagsusungit nanaman siya at seryoso!
Sa sobrang seryoso niya, parang isang krimen ang mangyayari kapag nag bitaw ka ng joke kahit hindi naman para sa kanya. -.-
Parang ewan na bipolar ang putek.
Pag ako talagang napikon ako mismo mag dadala sa kanya sa mental! Nababaliw na ata siya sakin eh.
\(-ㅂ-)/ ♥ ♥ ♥
Choss, itsusera.
Oo kinikilig ako ng dahil sa kanya, dahil sa pagiging sweet at maasikaso niya pero habang patagal ng patagal mas naririalized kong hindi na pala nakakatuwa kasi.. Nakakagago nalang minsan..
Nakakalito nalang kasi siya, ewan ko ba! Tss.
Nanonood kami ng movie ngayon dito sa sala nila Zae, Sage and Red. Wala si Eve at Venon may trabaho silang nilalakad.
Tahimik lang kami dito sa sala. Walang nagtatangkang mag salita at naka focus silang lahat sa movie. Ang pinapanood namin ay Warm Bodies habang kumakain kami ng nuggets! Sayang nga lang walang ice cream. Gusto ko ng ice cream.. Nag ke-crave ako sa ice cream...
Asaan kaya sila Venon at Eve? Hindi ko naman kasi alam kung saan sila nagpunta. Hindi naman kasi sila nag paalam. Hindi naman talaga nila pinapaalam sa akin yung mga lakad nila. Ang alam ko lang ay mission thingy na nababanggit nila pero hindi ko alam kung anong mission pero-- may idea ako na pumapatay sila..
Anyways..
Tanggap ko naman na eh, wala na akong kaso saka tulad ng sabi ni Red sa akin, hindi naman sila pumapatay ng basta basta.
I sigh.
After namin manood ng movie, bumalik na ako dito sa kwarto namin ni Venon. Hays. Ang boring! Wala akong magawa.. Wala akong cellphone, wala akong laptop.. Wala akong kahit anong gadjets! Daig ko pa grounded nila mama at papa.
Speaking of mama and papa, ang tagal ko na silang di nakakamusta. Ang tagal ko nang walang balita sa kanila.. Kamusta na kaya sila? Hindi ko na din sila nakakausap through video call.. I miss them so much...

BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Mafia Boss. (ORIGINAL) (COMPLETED)
FanfictionSamantha's boss asked her to do a very important project for the whole company. It's called 'Project' but more on a 'mission' and she accepted it... I mean what could possibly go wrong? She needs to stalk the most fantastic man in the field of bus...