Chapter 13
"Samantha, ano ba talaga nangyayari?" tanong ni Veronica ngunit gaya ng nangyari kanina, wala parin siyang nakuhang sagot.
Kanina pa sila tanong ng tanong kung ayos lang ba siya, kung may problema ba at kung ano ba ang mga nangyayari pero munting ngiti lang ang sinasagot ni Samantha at agad niyang nababago ang topic.
Nakarating sila ng Cebu, sa penthouse ni Veronica na gulong gulo ang isip nilang tatlo habang si Samantha iniisip kung ano ang susunod na mangyayari pagkatapos ng ginawa niyang pagtakas.
Iniisip niya si Venon.
"Sammy, you can tell us everything. Baka matulungan ka namin." si Jamie.
"Yes Sammy, tell us. Tutulungan ka namin." si Mica.
Napabuntong hininga nalang si Samantha habang nakatingin sa kanyang tatlong kaibigan na nasa tapat niyang sofa na nakaupo habang siya nakaupo sa katapat na sofa ng mga kaibigan niya.
Napabagsak nalang ang balikat ng tatlo nang walang nakuhang sagot kay Samantha.
"Ayaw talagang sumagot eh. " si Mica.
"Hayaan muna natin, wala namang sekretong di nabubunyag. " Si Veronica at mataman na tumingin sa dinaanan ni Samantha
-
Tahimik ang lahat at pare parehong nagiisip, walang nag tatangkang mag salita.
Venon is mad. Really, really, really mad and irritated at the same time. Samantha ran away and for now, hindi pa nila alam kung saan ba hahanapin si Samantha pero isa lang ang sinisigurado niya at ng apat, nakatakbo lang palayo si Samantha pero malabo itong maging malaya.
"Samantha is in great danger Venon. Baka maunahan pa nila tayong makita siya." nag aalalang wika ni Red habang pilit na kinakalalkal ang kanyang laptop.
Nagtagisan ang panga ni Venon dahil sa sobrang iritasyon. Sana hindi nalang tumakas si Samantha. Bakit ba nag paniwala siya sa isip niya na hindi na magagawang tumakas ni Samantha dahil ramdam naman na nitong ligtas at wala siyang dapat ikabahala dahil sila at siya ang kasama nito?
"Continue finding her, I'll be in my office." tumayo si Venon at dala dala ang laptop na umakyat sa taas papunta sa kanyang opisina. Mas kumpleto ang computer niya doon. Mas mapapadali ang kanyang trabaho.
"Nagloading na ba?" naiinip na wika ni Red.
"95%" sagot ni Eve.
"CR lang ako. " si Zae at tumakbo. Napailing nalang si Red.
"Ito may na search na ako. Mica Rosares, pamilya nila ang may ari ng pinaka malaking hotel sa boracay, ang Diamond hotel. Sila din ang may ari ng ZZ restaurant na may 53 branch na sa buong Pilipinas. Veronica David, pamilya nila ang may ari ng Red Lip company o mas kilalang RL company and ang main nila sa Davao. Jamie De Guzman, nagbebenta siya ng sarili niyang beauty products which is known as JamengCosmetics and pamilya nila ay nag ra-run ng MayLine Company."
Napasipol si Sage. "Okay.. ito ang mga nakita ko and niloload ko na ang personal data nila, ibibigay ko nalang sayo Red pagkatapos."Tumango si Red. "Eve, ano? Di pa ba magloloading yan?"
"One minute."
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Mafia Boss. (ORIGINAL) (COMPLETED)
FanfictionSamantha's boss asked her to do a very important project for the whole company. It's called 'Project' but more on a 'mission' and she accepted it... I mean what could possibly go wrong? She needs to stalk the most fantastic man in the field of bus...