[34] Malapit Na.

11.3K 297 36
                                    

Chapter 34

THIRD PERSON

Isang buwan.

Isang buwan na siyang nakakulong at nakatali sa kamang iyon.

Gustong gusto na niyang umalis. Gustong gusto na niyang tumakas at lisanin ang lugar na ito. Gusto na niyang makasama ang apat at lalo na si Venon.

Isang buwan palamang siya sa impyernong ito ngunit pakiramdam niya halos isang taon na siyang nag dudusa doon.

Miss na miss na niya si Venon. Simula ng mawala ang mga magulang niya, si Venon nalamang ang nakikilala niyang pamilya. Pati yung apat.

Nanghihinang napasulyap nalamang siya sa kanyang wedding ring. Nagsimulang mamuo ang kanyang mga luha dahilan para pumikit siya ng mariin.

Ayaw na niyang labasan pa ng luha baka lalo lang siyang manghina kakaiyak.

"V-Venon... " pero hindi... Hindi niya kayang pigilan. Tuluyang napahugugol siya at napayuko nalamang. "Fuck this situation!"

Hindi alam ni Samantha kung gaano nanaman siyang napatulala sa sahig nang pumasok si Aspen sa kwarto.

Walang emosyon niya itong tinignan. Sa isang buwan niyang nakakasalamuha si Aspen,  tuluyan na siyang namanhid para sa binata.

May dala dala itong tray at gaya ng mga nakaraang araw,  may laman itong pag kain.

Pilit na ngiti ang ginawa ni Aspen para sa kanya habang siya ay malalim lang na inirapan ang binata.

Napabuntong hininga na lamang si Aspen at nilapitan si Samantha.

"Eat Samantha. " lapag ni Aspen ng tray sa may bedside ngunit di siya pinansin ni Samantha.

Wala siyang pakielam kung mamatay siya sa gutom. Kung ganito lang din naman ang magiging buhay niya, mabuti pang mamatay nalang siya.

Bumuntong hininga si Aspen.

Kinuha niya ang tray at naglagay sa kutsara ng pagkain para subuan si Samantha.

Isusubo na sana niya ito sa kanya pero iniwas lang nito ang kanyang mukha,  gaya ng mga ginawa nito noong mga nakaraang araw.

Hinding hindi siya tatanggap ng kahit ano galing kay Aspen.

Buntong hiningang ibinalik ni Aspen ang kutsarang may pagkain sa plato at tinignan si Samantha na tila parang nag mamakaawa.

"P-please Samantha, eat your food. " pakiusap ni Aspen.

Di sumagot si Samantha.

Di niya ito pinansin.

Sa isang buwan niya dito ay walang ginawa si Aspen kung di puntahan siya. Pabalik balik ito at talagang walang pinapalampas na araw na pupuntahan siya nito.  Sa isang buwan din na ito,  wala siyang ibang ginawa kung hindi makipagtalo kay Aspen na pakawalan siya hanggang sa namanhid na siya at tuluyang tinratong masamang hangin ang binata.

Mag sasalita man siya, ang sasabihin lamang niya dito ay 'pakawalan mo na ako.'

"D-di mo man lang ba ako papansinin? " si Aspen.

Malamig pa sa yelo ang mga mata ni Samantha. Umiiyak siya ng walang emosyon. Wala siyang emosyon at di mo talaga malalaman ang kanyang iniisip. Blanko pero, lagi siyang may luha.

Di sumagot si Samantha.

"K-kumain ka na. Ang laki na ng pinayat mo.. " si Aspen.

Awang awa na siya kay Samantha. Ang laki na ng pinayat nito at wala itong ginawa kung di umiyak at mas nakakaano pa don ay, umiiyak siya ng walang emosyon...

Kidnapped By A Mafia Boss. (ORIGINAL) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon