Chapter 20
Mag isang nanonood si Samantha sa sala habang si Venon ay nasa hindi niya malamang parte ng bahay. She's been thinking about Venon and their situation.
What if siya nalang kaya ang mag sorry? Sobrang bigat na talaga nang nararamdaman niya ngayon. Ayaw niya na ang mangyari ay palipasin nalamang ang lahat. Gusto niyang makausap at makipagayos agad kay Venon.
He is her husband after all..
Pero.. Hindi niya alam kung paano ba sisimulan. Mukhang ayaw siyang kausapin ng asawa at kapag sinubukan niyang makipag ayos, baka lalo lang lumala ang lahat I mean... Baka kailangan munang magpalamig?
'Mag papalamig lang pero hindi hahayaang lilipas nalang.' Samantha.
Hays.. Hanggang kailan naman kaya sila magiging ganito? Parang ang ayos ayos lang nilang mag mall kahapon tapos ngayon parang bumalik ang Venon Lee na istranghero na kumidnap sa kanya nang mag akyat mansion siya.
Ang bilis mag bago. Sobrang gulo..
Pag babago lang talaga ang permanente dito sa mundo.
Samantha sighed..
Bukas naman kaya ano ang mangyayari? Kung sakali-- siguro nga baka umabot pa ito ng hindi malamang araw. Magiging maingat nalang siya sa mga galaw niya at hindi gagawa ng ikakagalit ni Venon..
'Ang.. bigat naman sa pakiramdam. Ayos naman na kami ah? Bakit parang...' she sighed. 'Ang gulo naman ng buhay masyado pero Venon... Please mag bati na tayo. Ang bigat naman ng ginagawa mo sakin eh. Sana ginawa mo nalang akong utusan kesa ganitong--hays.'
Pero tatry parin niya mamaya.. Ewan niya ba--bahala na si batman! Pero sana talaga---finger crossed. Maging maayos ang lahat!
"Hello.." papasok na wika ni Zae sa loob ng mansion, galing sa trabaho, kasama ang apat at bakas sa kanila ang antok at pagod. "Mukhang di muna ako makakakain ng mga baby's ko." tinutukoy ang mga hotdog niya sa ref. "Inaantok na ako. Saka busog pa naman ako." he sighed.
Napangiti nalang si Samantha.
'Kung pati itong apat magalit sa akin.. Ewan ko nalang. ' Samantha.
"Mukhang pagod kayo ahh?" ngiti ni Samantha.
"Oo mrs. Lee. Kumain ka na ba? Wala na akong ganang kumain." humikab si Sage at bakas sa mga mata niya ang antok. "I really want to sleep."
Humikab din si Red. "Anong oras na ba--6:01 palang? Apaka aga papala.." nag inat ang dalaga. "Wala na din akong ganang kumain. Hindi ako nagugutom."
"Ako nga din eh." pakikisabay ni Samantha. "Sobrang nakakapagod ang araw na ito." she giggled and stood up. Talagang nakakapagod. "Pahinga na kayo ah? Akyat lang ako sa kwarto." nag hikab na din siya. Mukhang nakakaramdam na din talaga siya ng antok. Kahit di naman talaga. "Inaantok na din ako." she chuckled and looked at Eve na nakatingin lang sa kanya. "Eve, yung pina gawa mong mango graham kay ate Vida nasa ref sigurado malamig na iyon. Kunin mo nalang kung gusto mo. Heheh medyo kumuha ako ng konte sorry ah? Natakam ako eh."
Ngumiti si Eve. "It's okay. You can eat it all if you want to."
"Thanks." wika ni Samantha at iniwan na ang apat para umakyat sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Mafia Boss. (ORIGINAL) (COMPLETED)
FanfictionSamantha's boss asked her to do a very important project for the whole company. It's called 'Project' but more on a 'mission' and she accepted it... I mean what could possibly go wrong? She needs to stalk the most fantastic man in the field of bus...