Chapter 8
Nagising si Samantha na maayos ang pakiramdam. Nandon parin ang pangangalay at ispirito ng katamaran pero ayos na siya. Hindi na tulad kanina na para siyang kubang paling ang katawan.
Nice.. Ayos mag alaga ang Venon Lee.
Napapangiting napailing iling si Samantha at naglinis at nag ayos ng sarili para makalabas siya ng kwarto at harapin si Venon.
"Asan nga pala siya?"
Mag tethank you ulit siya sa asawa dahil sa effort nito para alagaan siya at mapaayos ang kanyang pakiramdam.
Nang makalabas ng kwarto ay agad siyang bumaba para pumuntang sala at nakita niya ang apat doon na may kanya kanyang mundo.
"Oy! Mrs. Lee! Namiss mo ko?!" si Zae na kumakaway sa kanya habang may hawak na tinidor na nakatusok sa hotdog.
"Shut up Zae." si Red, tinignan si Samantha at ngumiti. "Lumabas yung asawa mo. May pinuntahan."
'O-oh..' Samantha.
"Pfft--di ko naman hinahanap." kunwaring natatawa niyang wika at tumabi kay Eve. Bumaling siya sa binata at ngumiti. "Hey."
"Hey." baling sa kanya ng binata at ngumiti ngunit agad din nitong binalik ang focus sa binabasang libro.
"Halata kasi sa prisensya mo na hinahanap mo siya." wika ni Red at kinasa ang hawak na baril at itinapat kay Zae. "Any last words? Motherfucker?"
"L-laro lang naman yan d-diba?" si Samantha na kinakabahan para kay Zae na halos di na nanguya ang kinakain na hotdog.
"A-ah... Red papalitan ko nalang y-yung bala na nasayang ko k-kanina h-hehehe sorry na." si Zae na nakangiwing nakangiti.
"Siguraduhin mo lang." wika ni Red at hindi na tinutok ang baril sa kaibigan.
Nakahinga naman ng maluwag si Samantha at napatingin na lamang sa sahig.
"May problema ba?" tanong sa kanya ni Sage.
Agad namang umiling si Samantha sa lahat dahil nakatingin na din sa kanya ang tatlo.
"A-ayos lang ako." pilit siyang ngumiti.
"Baka gutom ka na? Malapit na maluto ang miryenda. Kumain ka ng madami." ngiti ni Red sa kanya at ngumiti siya dito bilang tugon.
-
"Mga sir and mga maam, luto na po ang miryenda niyo. Okay na po." One of their maids said. Sabay sabay silang nagpunta sa kusina para kumain.
Walang gana namang kumain si Samantha. Wala siya sa mood at hindi niya alam kung bakit--- Iba ang gusto niyang kainin.
Tahimik lang na kumakain si Samantha habang nag uusap ang apat, pinaka maingay si Zae...
Pinilit ni Samantha na kumain para magkaroon ng laman ang kanyang tiyan at mag karoon siya ng lakas hanggang sa natapos sila at bumalik sa sala para manood ng movie.
'I want ube ice cream.' Samantha.
SAMANTHA
Hmm... Mag aalasdos na pala ng madaling araw at hindi parin ako makatulog. Ang sakit ng balakang at mga binti ko. Hindi ako komportable.
I sighed in irritation.
Ayaw ko sa lahat nabibitin ang tulog ko. Sumasakit ang ulo ko at madali akong mainis. Sanay kasi akong may pinapahid na ointment sa balakang at binti ko para mabawasan ang sakit pero hindi ko alam kung saan ngayon kukuha ng ointment.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Mafia Boss. (ORIGINAL) (COMPLETED)
FanfictionSamantha's boss asked her to do a very important project for the whole company. It's called 'Project' but more on a 'mission' and she accepted it... I mean what could possibly go wrong? She needs to stalk the most fantastic man in the field of bus...