[4] After The Deal.

24.8K 522 32
                                    

Chapter 4

SAMANTHA

Tahimik lang ako buong byahe. Akala ko papauwiin na nila ako sa bahay ko pero hindi. Hindi na daw ako muling uuwi sa bahay ko.

Napabuntong hininga nalang ako sa mga nangyayari.

Dugo, pawis at oras ang inilaan ko para magkaroon ng sarili kong bahay. Matagal ko nang gustong magkaroon ng sariling bahay, kahit hindi malaki, kahit hindi malapalasyo, kahit simpleng bahay lang sapat na para sa akin. Mas gusto kong tumira sa bahay ko talaga kesa bumili ng condo or kahit anong mansion. Kahit simple lang ang bahay ko, proud ako na galing iyon sa sarili kong pagsisikap. Sa sarili kong pera.

Nandito ako sa loob ng kotse, kasama ang tatlo, si Sage, Zae at Red.

Hindi ko na alam kung ano ang kahahantungan ng nagsimulang pangyayaring ito. Maitatanong ko nalang talaga sa sarili ko, what will happen next?

Tumingin ako sa backseat, magkatabi si Sage at Zae. Kumakain ng hotdog si Zae habang si Sage busy lang kalikutin ang kanyang cellphone.

"Gusto mo?" puno ang bibig ng hotdog na alok sa akin ni Zae ng kinakain niya.

Nakangiwing ngumiti ako sa kanya. "N-no, thank you."

Nagkibit balikat lang siya at bumalik sa pagkain. Gosh, this hotdog lover.

I sigh. I guess I will be dealing with this people hanggang sa... I don't know.

"Hey.," Red called my attention while she's driving. "Calm down ms. Fortez. We won't bite." she glance at me and gave me an assurance smile.

How am I supposed to calm myself? Hindi ko alam kung ano na bang mangyayari sa akin. Lalo na kapag kinasal kami. Ano ba talaga ang balak niya sa akin?

Napabuntong hininga nalang ako.

-

"Welcome ms. Fortez! Feel at home!" it's Zae and he threw his self on the couch.

I gulped as I look around. Wow...

I never thought that this place will be this wide and big!

I'm here at mr. Lee's place. Ang mansion na inakyat ko kanina lang, ngayon, dito na ako titira. Kasama ang magiging asawa ko.

This isn't look like a home nor a 'big wide house' you say, this is a palace! Parang maliligaw ka kapag mag isa kang naglakad dito.

Damn.

"Sit ms. Fortez." Red said. Marahan akong tumango ngunit sa paligid parin ang mga mata ko.

It's beautiful here.

First, his company's building and now his home? This is damn lit! For what I know, mr. Lee has a lot of property not only here at the Philippines but in every country that he likes!

Dalawa palang ang nakikita ko sobra sobra na. What if kung yung iba pa diba?

"Want some?" alok sa akin ni Red ng bubble gum.

"No, thank you."

"Suit yourself." she shrugged.

Di ko alam, bigla nanaman akong sinuntok ng kaba. Habang lumilipas ang bawat minuto, nabibingi ako sa malakas na pagtibok ng puso ko.

Isipin ko palang na magpapakasal kami ni mr. Lee, di ko talaga mapigilang magtanong kung paanong---urgh... Kung ano bang gusto niyang mangyari sa aming dalawa. Kung... Kung ano bang mangyayari ngayong mag sasama na kaming dalawa.

Natatakot ako. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Hindi namin siya kasabay sa paguwi at may pinuntahan pa siyang iba. Ano na kaya ang mga pinaplano niya ngayon?

Kidnapped By A Mafia Boss. (ORIGINAL) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon