[21] One Week.

17.7K 406 53
                                    

Chapter 21

-First day-

"Good morning!" bati ni Samantha sa apat at tumabi na sa kanila sa sala. Ang gaan na ulit ng pakiramdam niya.

"Well, someone is happy.." nakangiting wika ni Red.

Pati na din ang tatlong lalaking kasama nila ay napangiti na din. Mukhang maayos na ang lahat ah?

"Kinda." Samantha chuckled.

"How's your sleep?" pangangamusta ni Sage. "Ang himbing ng tulog ko kagabi. Pakiramdam ko talaga pagod na pagod ako."

"Oo nga eh, lakas ng hilik mo. Abot sa kwarto ko." irap ni Zae. "Nanaginip ako kagabi.. Nasa gubat daw ako hinahabol ng tigre tapos tumalon daw ako sa bangin tapos sinalo daw ako ng diwata. Napaka gandang diwata."

Napangiwi si Red. "May nalilibugan ka na ba?"

"WALA AH!"

"Eh bakit ka humihiyaw?! Hiniyawan ba kita?!" hiyaw ni Red.

"Sorry naman! Kababae mong tao yang bibig mo talaga walang preno."

"Mukha bang sasakyan itong bunganga ko para mag ka preno?!" irap ni Red. "Ikaw nga kalalaki mong tao ang hilig mo sa hotdog!"

Natatawang napailing nalang si Samantha. Super gaan ng pakiramdam niya. She's really happy na nagkaayos na sila ni Venon kagabi, parang bumalik na talaga sa dati ang lahat.

Napatingin naman siya kay Eve at nang magtama ang paningin nila ay nginitian siya nito. Ngumiti siya at tumabi dito.

Natitigilang napakunot naman ang noo ni Eve. Mukhang hindi inaasahan ng binata na tatabi sa kanya si Samantha.

Lumapit naman sa kanya si Samantha at bumulong. "Eve, may girlfriend ka na ba?"

"W-wala.." he answered in shock. Bakit naman biglang natanong ito ni Samantha? May problema ba? "Bakit m-mo pala natanong?"

"Ang gwapo mo kasi tapos mabait pa.. Parang hindi imposibleng may girlfriend ka." nakangiting wika ni Samantha na ikinapula ng pisngi ni Eve.

Napakunot ang noo ng tatlo.

"Ano bang pinagbubulungan niyo diyan?" si Zae. "Eve, bat ka namumula?"

"Oo nga noh? Ang cute Hahahah!" Samantha laughed.

Nagkatinginan ang tatlo at napakunot noo. "Anong meron?" Si Sage at Red.

"W-wala.. Iinom lang ako." si Eve at mabilis na tumayo at nag tungo sa kusina.

Naiiling na napangiti nalang si Samantha at bumaling sa tv.

"Ano bang meron at parang nakakatakot na yang ngiti mo mrs. Lee? You look so much happy.." si Sage.

"Yeah.. Parang kahapon lang parang babaliktad na yang mata mo sa sobrang lamlam at down pero ngayon parang mapupunit nayang labi mo kakangiti." si Red at napailing. "Ang gulo ng buhay mag asawa."

Samantha laughed. "Ang creepy ko na ba?"

"Medyo." si Zae.

Kidnapped By A Mafia Boss. (ORIGINAL) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon