Chapter 23
Hindi alam ni Samantha kung gaano sila katagal sa ere hanggang sa makarating sila ng tuluyan dito sa boracay.
Ang presko ng simoy ng hangin at talagang gusto niyang libutin ang buong lugar, kung maaari lang sana.
Ngayon, nandito sila sa sariling bahay ni Venon dito sa Boracay. Simpleng bahay lamang ito na talagang makakapag relax ka at hindi ka mababagot.
Gusto niya dito...
Ngayon din ay, wala si Venon. Hindi man lang ito nag abala na pumasok sa sarili nitong bahay at hinatid lamang sila ni Blythe sa may pinto.
Wala naman silang dala na kahit anong gamit kaya hindi na nahirapan si Venon na iwan si Samantha, saka may mga guards na agad na nakahanda kaya kahit papaano ay, panatag siya.
Saka kumpleto naman ang gamit nila sa loob ng bahay kaya walang dapat ipagalala.
And besides, he trust his wife.
Napangiti na lamang si Samantha ng humalinghing si Blythe mula sa malalim nitong pagkakatulog.
Mukhang napagod ang bata sa flight at inantok ng tuluyang kakalaro sa dala nitong Ipad.
"Maybe there's nothing special about us going here. It's about his work..." she sighed at tumabi kay Blythe sa pag kakahiga.
Yeah, maybe it's just about Venon's work and nothing more. What is she thinking?
-
Talaga namang tirik na tirik ang araw at walang paki na naglalakad lamang si Venon sa may dagat... Dinadama ang pagpalo ng alon sa kanyang paanan.
Nakapamulsang tumigil siya sa pag lalakad at nakapikit na dinama ang hangin na sumalubong sa kanya. Hindi man halata, talagang na miss niya ang tunog ng dagat at ang hangin nitong sumasabay sa alon, kasama ng mga puno at syempre... Ang buhangin na talaga namang lumulubog ang kanyang mga paa.
"It's been a while Boracay..."
15 years old siya nang huli siyang nakapunta dito sa boracay, kasama pa niya ang kanyang pamilya noon.. Kompleto silang nag saya.
And now... He is with his wife.
Nagpatuloy siya sa pag lalakad at walang pakielam na hindi pinansin ang mga taong naagaw niya ang atensyon... Ang iba ay nakikilala siya, ang iba ay pinagpapantasyahan siya... Ang iba ay pareho.
Pero wala na siyang pakielam. Ang gusto lang niya ay maienjoy itong Boracay na kasama ang asawa niya, for the first time.
Pero, hindi din dapat siya magpabaya dahil may ilan din siyang dapat gampanan dito sa Boracay. Isa din sa dahilan kung bakit hindi na niya nagawa pang pumasok sa bahay at maihatid ng tuluyan ang kanyang pamangkit at asawa.
He sighed, found his self walking to his home, where his wife is...
Nagbigay galang ang ilang security guard na nasa bahay, which is mga tauhan din niya at tinanguan niya ang mga ito bilang pag tugon.
Nang tuluyang makapasok sa bahay ay agad siyang dumeretso sa pintong nakabukas kung saan, alam niya kung nasaan ang kanyang asawa at pamangkin.
Agad na sumilay ang kanyang ngiti nang makita niya ang dalawa na mahimbing ang tulog at komportable na nakahiga.
Mas lumapit siya at unang hinawakan si Blythe sa ulo at hinalikan siya sa pisngi. He chuckle ng sumilay ang ngiti sa natutulog na bata.
'Silly..' Venon.
Dumakot ang kanyang mata sa asawa at maingat na lumapit sa kanya at hinalikan ito sa labi.
"See you wifey.."
BINABASA MO ANG
Kidnapped By A Mafia Boss. (ORIGINAL) (COMPLETED)
FanfictionSamantha's boss asked her to do a very important project for the whole company. It's called 'Project' but more on a 'mission' and she accepted it... I mean what could possibly go wrong? She needs to stalk the most fantastic man in the field of bus...