chapter 4

40 1 0
                                        

Brothers

HERLIN POV

"KUYA HERLIN!!!" sigaw ng isang boses babae sakin. Idinilat ko ang aking mga mata at nakita ko si Hesa. Anong ginagawa nya dito?

"What are you doing here?" sabi ko sakanya.

"Sabi kase ni tita ay gisingin daw kita" paliwanag nya. Pinagmasdan ko ang mukha nya, hindi nga mapagkakailang magkapatid talaga kami

"Hindi ka pwede sa kwarto ko" matigas na sabi ko. Nakita Kong natigilan sya

"p-pasensya" nauutal na sabi nya at lumabas na sya ng kwarto ko. Lumabas na din ako at bumaba, naubutan ko sila na kumpleto na mukhang ako nalang ang kulang

Nagsimula na kaming kumain, sa gitna ng aming agahan ay nagsalita si daddy

"kamusta ang Unang araw mo dito sa mansyon Hesa?" tanong nya daddy.

"Okey lang ho papa" nakangiting sabi ni Hesa

"Balita ko Hesa, ay natulog ka daw kagabi sa lapag? Nakita ka daw ni manang loleng" sabi ni mommy. Teka tama ba yung Narinig ko? Natulog sya sa lapag? Ibang klase talaga sya tsk

"Ay hehehe masyado po kasing malambot yung kama, hindi po ako sanay kaya ayun po hehe" napapahiyang sabi ni Hesa

"Tsk arte" bulong ni hans na katabi ko.

"Ah so hindi ka comfortable Hesa?" tanong ni daddy

"Opo papa eh" sabi ni Hesa at tumango pa

"Okey gagawan natin yan ng paraan" nakangiting sabi ni mommy sakanya.

"Btw boys, mag e-enroll ba kayo mamaya? Tanong ni daddy saamin

"Yup daddy" sagot ko sakanya. Enrollan kasi namin ngayon kaya naman mamaya ay pupunta kami sa school para mag enroll sana maraming chicks

"Sabay sabay ba kayo?"tanong ulit ni daddy

"Hmm yeah daddy, magsasabay sabay na kami" sabi ni kuya henry

"Sira pa kasi yung kotse ni kuya herlin dad, bawal naman ako magdrive so wala kaming choice kundi sumabay Kay kuya henry" paliwanag ni hans

"Ah ganun ba? Well, that's good" nakangiting sabi ni daddy, kumunot naman ang noo ko

"Bat nyo pala natanong dad?" tanong ko

"Gusto kasi namin ng daddy nyo na isama nyo si isay para mag enroll din"nakangiting sabi ni mommy, nagulat kaming tatlo.

"What?!" sabay naming sabi ni hans

"Gusto din kasi naming pag aralin si Hesa, at mas maganda kung sa isang school kayo papasok" sabi ni daddy. Bakit kailangan kami pa ang sumama sakanya? Tsk badtrip naman oh

"Dad bakit kailangan samin sya sumama?" angal ni hans.

"Why not hans? Kapatid nyo sya" sabi ni mommy. Nakita Kong nagkuyom ang kamao ni hans, alam kong nagtitimpi lang si hans

"Bilisan nyo na kumain para makapag enroll na din kayo" sabi ni daddy, tinapos namin agad ang aming Pagkain. Ng kami ay matapos na dumeretso kami agad sa aming mga kanya kanyang silid para magbihis.

Natapos agad ako magbihis at agad na bumaba, naabutan ko si hans at kuya henry na nakaupo sa sofa.

"Let's go?" Sabi ko

"Wait, si Hesa pa" sabi ni kuya henry. Sa aming tatlo si kuya henry lang naman ang mabait Kay Hesa tsk. Matagal naming hinintay si Hesa sobrang inip na ako bumaling ako kay hans at halata din na naiinip na ito

The Probinsyana Girl Where stories live. Discover now