Probinsya...
ISAY POV
Ang hangin ng batangas, ang sariwang hangin. Hayyy namiss ko to. Naglakad na ako papunta sa bahay ni tita, ang dating tinitirahan ko.
Pagpasok na Pagpasok ko palang sa compound namin. Dinig na dinig ko na agad ang mga kwentuhan ng mga kapitbahay namin, ang mga tsismosa na maaga palang ay tsumitsismis na. Namiss ko sila.
Nahagip ng mata ko si aling linda. Walang pinagbago si aling linda hahaha, sya pa din yung taong hindi nauubusan ng kwento. Bigla naman syang napatingin sa direksyon ko.
"ISAY!" masiglang bati nya at tumakbo sakin. "Aba dalagang dalaga na si isay ah!" sabi nya. Napatingin din naman saakin ang mga kapitbahay namin at nagsilapitan din saakin
"Aba mukhang mayaman na talaga si isay"
"Isay pabili nga ako ng turon"
"Wow isay bigtime na!
"Ala eh gumaganda si isay! Pangmayaman na kasi ang sabon!"
Natawa na lamang ako sa mga sinasabi nila. Wala talaga silang pinagbago
"Hoy tumigil tigil nga kayo. Napakatsismosa nyo talaga" sabi sakanila ni aling linda kaya naman nagtawanan kami. "Hindi nyo ga nakikita na kakauwi nya lamang at pagod iyan sa byahe!" singhal ni aling Linda
"Hahahaha aling linda ang puso nyo. Kalma lang" biro ko.
"Ikay umuwi na muna isay at Ikaw ay magpahinga tsaka na lamang kami tsitsismis saiyo" nakangiting sabi nya sakin. Nginitian ko lang din sya
"Sige ho, mauna na ho ako. Tsaka na lamang tayo mag tsismisan" nakangiting sabi ko at naglakad na papalayo. Kaya gusto kong nag iibang bayan eh. Lagi akong sikat kapag umuuwi ako dito saamin hahahaha.
Kumatok ako sa bahay ni tita ng makarating ako dito. Agad naman itong nagbukas at nakita ko agad si tita
"TITA!" masayang sabi ko at yumakap sakanya
"Abay hesa bakit ka nandine?" gulat na tanong nya pagkakalas namin sa yakapan
"Pinayagan po ako ni papa na umuwe" sabi ko.
"Abay ganon ga? Bakit naman hindi ka nagsabe" tita
"Surprise ho tita" natatawang sabi ko. "Si ej po?" tanong ko. Nasan naman kaya ang batang iyon
"Edi nasa court kasama si kenneth" sabi nya.
"Ganun po ba? Pupuntahan ko lang po" nakangiting sabi ko at sabay tayo
"Teka hindi ka man lang ba magpapahinga muna?" tanong nya
"Mamaya napo gusto ko na pong makita si ej" sabi ko at lumabas na ng pinto at pumunta na ako sa court
***
Ng makarating ako sa court ay ginala ko agad ang mata ko para hanapin ang mga pinsan ko. Habang hinahanap ko sila ay may nakabangga saakin kaya naman medyo napa atras ako.
"Ay sorry miss" sabi nya. Ng makita ko kung sino ang nakabangga saakin ay niyakap ko agad sya. Grabe namiss ko itong lalaking to.
"INGGO!" masayang sabi ko habang nakayakap pa din sakanya. Humiwalay na ako sa yakap at tiningnan sya, halata sa mukha nya ang gulat at pagkalito. Gusto ko tuloy matawa sa reaksyon nya hahaha para kasi syang tanga.
Kung hindi nyo natatanong kababata ko si inggo. Simula bata palang kami ay magkakaibigan na kami kasama si jako pati na din ang mga pinsan ko. Kaya naman inaasar ako dati na tomboy dahil puro lalaki daw ang kasama ko. Tinitigan nya lang ako at parang sinusuri ang mukha ko. Maya maya ay nagliwanag ang mukha nya ng mamukaan ako.
