chapter 13

26 1 0
                                    

Come back

ISAY POV

Iminulat ko ang mga mata ko. Ramdam kong pugto pa din ang mga ito dahil sa mga nangyari kanina. Hapon na, tumayo ako sa kama ko. Nahimatay pala ako kanina, hindi ko siguro kinaya ang mga nangyari kanina hahaha. Natawa ako ng mapait, bumabalik sa isipan ko na anak lang ako sa pagkakasala at para bang wala akong karapatang maging masaya.

Ng makatayo ako sa kama ko ay nahagip ng mga mata ko si mommy na nakahiga sa sofa. Natutulog siguro sya, lumabas na ako ng kwarto at napansin kong walang tao sa mansyon. Naisipan kong magpahangin hangin muna sa Park, gusto ko munang mapag isa

Lumabas agad ako ng mansyon at agad na pumara ng taxi

"Saan po tayo mam?" tanong nung driver. Saan nga ba ako pupunta? Aish dapat nagdala nalang ako ng mapa

"Kahit saan kuya, basta tahimik" sagot ko sakanya. Habang nasa byahe hindi ko mapigilang maiyak. Bakit anak ako sa labas? Ang daming mga Bakit ang gusto kong masagot agad. Dahil feeling ko hindi ko na kaya

Maya maya ay tumigil ang taxi sa may tapat ng Park

"anong ginagawa natin dito kuya?" tanong ko kay kuyang driver

"Tahimik lang po jan mam, kaya makakapag emote ka na po jan hehe" nakangiting sabi nya. Seryoso ba si kuya? Sabagay tahimik nga dito sa Park konti lang ang taong namamasyal dahil na din siguro hapon na.

Binayadan ko si manong at agad na umupo sa isang bench ng Park. Medyo malamig na dito kaya naman napapayakap nalang ako sa sarili ko. Tumingin ako sa kalangitan na ngayon ay madilim dilim na.

"Ma"umpisang salita palang umagos na ang mga luha sa mata ko." bakit mo naman sinekreto sakin?" umiiyak na sabi ko. Ang hirap palang pigilan yung nararamdaman mo no? Lalo na yung luha mo. Hindi mo sya pwedeng pigilan tutulo at tutulo yan.

"Ang sakit sakit ma"pagpapatuloy ko. Sobrang ang sakit malaman ng katotohanan na anak ako sa labas." Ang sakit dito mama" sabi ko sabay turo sa puso ko. Nakatingin pa din ako sa kalangitan habang tumutulo ang mga luha ko. Ang sakit malaman na ako pala ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya nina papa.

Dati, galit na galit ako sa mga taong dahilan kung bakit nasisira ang isang pamilya. Kasi alam mo yun ang daming mga batang walang pamilya. Umiiyak lang ako ng umiiyak dito sa Park. Madilim na talaga sa paligid pero hindi ako nakakaramdam ng takot tanging sakit at lungkot lang ang nararamdaman ko ngayon. Sa gitna ng mga pag iyak ko, may nakita akong panyo na nakalahad sa harapan ko. Tiningnan ko kung sino ang nag abot noon at nanlaki ang mga mata ko nung makita ko sya

'sa dinami dami ng tao sa mundo, bakit parang ikaw yung pinapadala ni lord kapag may problema ako?

KHALIX POV

Bored na bored na ako dito sa bahay namin. Aish bakit ba kasi walang Internet?! Lumabas ako ng bahay para magpahangin. Nakasalubong ko si mommy habang pababa ako ng hagdan

"Hey son where are you going?" tanong ni mommy.

"Outside lang mom, nakakabored dito aish bakit po ba kasi nawalan ng wifi?" inis na sabi ko

"I don't know din son eh, but don't worry pinapaayos ko na yung wifi" nakangiting sabi ni mom. Nagpaalam ako sakanya at tumungo na sa labas.

Pagkalabas ko ng bahay may mga chikababes na agad na sumalubong sa napakagwapong nilalang

"Hey babe" malanding sabi sakin ng isang babaeng chinita. Ang ganda nya at napaka hot pa. Inakbayan ko agad sya

"Hey babe" bati ko sakanya. Ipinulupot nya sa mga braso ko ang mga kamay nya

The Probinsyana Girl Where stories live. Discover now