Go home
ISAY POV
Nanlaki ang mga mata ko. Bakit sila Andito? Anong ginagawa nila dito? Teka ipapakulong ba nila ako? Totoo naman diba hindi naman sinasadya ni bea yon aish.
"Anong g-ginagawa nyo ho d-dito?" nauutal na tanong ko. Kahit alam ko nanaman na ipapakulong na nila ako
"nandito kami par--" nagsalita ang isang lalaki pero pinigilan ko sya. Ayokong makulong paano ako makakapag Aral sa isang taon?
"Tita maniwala kayo saakin pinagtanggol ko lang si bea dahil di naman nya Talaga sinasadya yon" paliwanag ko Kay tita. Please maniwala ka sakin tita. "Mister.." tawag ko sa lalaking may edad na. "Nagsasabi ho ako ng totoo wag nyo po ako ipakulong pakiusap mahina lang naman yung sapak ko sa anak nyo eh" naiiyak na talagang sabi ko
"Isay.." tawag saakin ni tita.
"Ayokong makulong tita madami pa akong pangarap sa buhay huhuhu ayoko makulong dahil sinapak ko lang naman sya" naiiyak na sabi ko sabay turo Kay kuyang sinapak ko kanina.
"Ija calm down, Hindi ako nandito para ipakulong ka hahaha" sabi ni mister at tumawa pa ng bahagya
"tsk oa" sabi ng isang lalaki na mukang pinaka bata sakanila. Nag init ang ulo ko pero kailangan Kong kumalma
"ikaw ba si Princess Hesa?" tanong ni mister. Teka paano nya ako nakilala? Tinanong nya ba kay tita?
"ako nga ho" sabi ko. Ngumiti si mister, bat naman kaya nangiti itong si mister?
"Ito nga pala si Prince henry Marquez"turo nya sa isang lalaki. " Ito naman si Prince Herlin Marquez" turo nya naman sa lalaking sinapak ko. "Ito naman si Prince Hans Marquez" turo nya sa lalaking sinabihan ako kanina ng oa. "Mga kapatid mo sila" nakangiting ani ni mister. Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni mister, k-kapatid ko sila? I-ibig Sabihin..."At ako naman, ako si Mr. King Harold Marquez ang tatay mo" Sabi ni mister.
Hindi ako makapagsalita, nagulat ako nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala. "Kayo ang tatay k-ko?" hindi makapaniwalang sabi ko
"Oo, ako nga" sabi nya. Agad ko syang niyakap tumulo ang mga luha ko. Sa wakas nakilala ko na sya, nakilala ko na sila. Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang makasama at maharap ang Ama ko. Napakasaya ko, sa lahat ng masaya ako yung pinakamasaya. Niyakap nya ako pabalik niyakap ko sya ng napakahigpit
"Masaya po akong makilala ko kayo" sabi ko. At kumalas na sa yakap. Ngumiti lang sya saakin at hinaplos ang buhok ko, bumaling ako sa mga kapatid ko.
"Hello, masaya akong makita kayo!" bati ko sakanila at umakmang yayakapin ko sila pero umatras sila, nalaglag ang panga ko sa ginawa nila.
"Boys.." mahinang sambit ng aking Ama.
"What dad?" nagtatakang tanong ni kuya Hernan
"Okey lang po hehe, baka galit pa din sila saakin dahil sa ginawa ko kanina." nahihiyang sabi ko.
"Sinong hindi magagalit" sabi ni kuya herlin. Tama ako galit pa din sila saakin
"Herlin" sabi naman ng aking Ama.
"Hesa mag impake kana" mahinang sabi ni tita. Mag impake? Bakit ako mag iimpake?
"P-po? Bakit po?"nagtatakang tanong ko
"Nakalimutan kong sabihin anak, sasama ka na saamin sa mansyon" nakangiting sabi ng aking Ama. Bakit kailangan sumama ako? Bakit kukunin nila ako?