Comeback..
HANS POV
Hapon na ng magising ako. Nagtaka na ako kung bakit parang nagkakagulo sa labas. Kaya naman bumaba na ako sa sala upang malaman ang dahilan
Nakita kong pabalik balik sa paglalakad si mommy at Hindi naman mapakali si kuya henry sa kanyang telepono. Si daddy naman ay busy sa pakikipag usap sa telepono ganun din si kuya henril. Maya maya ay napalingon saakin si mommy
"Hans gising ka na pala" pilit na ngiting bati nya.
"Yeah mom" sabi ko. Sabay tabi sakanya sa sofa. "Anong nangyayari mom?" takang tanong ko.
"Pagkagising ko kasi kanina sa sofa, wala si hesa sa kama nya"natatarantang sabi nya. Teka wala si hesa? So ibig sabihin...
"nawawala si hesa" sabat ni kuya henril. Natulala ako, sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Tama sila, mali yung ginawa ko dahil nangi alam ako.
"I'm sorry" mahinang usal ko. Tama lang naman na humingi ako ng tawad sakanila diba? Nakita kong natigil sila sa mga ginagawa nila at napalingon sila sakin
"Bakit ka nagsosorry saamin?"tanong ni mommy
"Kasi kasalanan ko ang lahat ng ito" nakatungong sabi ko. Tama naman diba, kasalanan ko naman talaga lahat to
"No, ang tanging kasalanan mo lang ay yung pinagbintangan mo si hesa" nakangiting sabi ni mommy
"Hindi ka namin sinisisi kung bakit nangyayari ito hans, ako ang may kasalanan dito dahil pinilit kong ilihim ito kay hesa." sabi ni daddy
"And besides hindi naman yung pagbibintang mo sakanya ang dahilan kung bakit sya umalis diba? Kaya sya umalis dahil nasaktan sya sa nalaman nya" sabi ni kuya henry
"Thank you dahil naiintindihan nyo ko" sabi ko sakanila at niyakap naman ako ni mommy
"But bro kailangan mong humingi ng tawad kay hesa" sabi ni kuya henril
"Yes I will" sabi ko. Hihingi talaga ako mg tawad sakanya. Pero hindi ibig sabihin non ay tanggap ko na sya, hindi ko yata kayang tanggapin sya
"But before that we need to find her muna" sabi ni mommy. Kaya naman kumilos na agad sila, nakikipag usap na si kuya henry sa mga Pulis. Si kuya henril naman ay nakikipagtulungan sa mga kakilala nya kung sakaling nakita nila si hesa. Si daddy naman ay may mga tinatawagan na tao na makatutulong upang mahanap agad si hesa.
Busy ang lahat sa paghahanap sa nawawala kong kapatid. Saan nanaman kaya nagpunta yon aish. Maya maya naman ay nag ring ang cp ko kaya agad agad ko itong kinuha. Nakita kong tunatawag si khalix, ano kayang kailangan nito?
[dude?]
"Yow?"
[Gusto ko lang sabihin na, nandito saamin si hesa]
"What?!" napalakas ata ang pagkakasabi ko kaya nagtinginan sila sakin
[Uhm yeah, nakita ko kasi syang umiiyak sa may Park na malapit saamin tapos bigla nalang syang nakatulog kaya dinala ko nalang muna sya sa bahay namin tutal malapit lang naman Eh]
"ganun ba? Thank you dude, wag mong pababayaan si hesa dude nagtitiwala ako sayo"
[Sige dude]
Binaba ko na ang tawav at humarap ako kala daddy na ngayon ay nakatingin saakin.
"Kasama daw ni khalix si hesa" sabi ko. Halata sakanila na nagulat sila