Missing...
ISAY POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Wow ang ganda ganda naman ng umaga kasing ganda ko lang BWAHAHAHAHA. Sabado ngayon at buti nalang walang pasok hayyyyyy makakapagpahinga ako sa bahay. Lumabas na ako para mag agahan at sakto kumpleto na sila mukang ako at si kuya herlin nalang ang kulang.
"Goodmorning prinsess" bati sakin ni papa. Yumakap ako sakanya at binati din sya.
"Goodmorning princess" bati din sakin ni tita Mae, lumingon ako sakanya at nakipag beso ako sakanya hehehe akala nyo hindi ako marunong bumeso ha.
"Goodmorning tita Mae" Masayang bati ko. Pagkatapos ko makipag yakapan Kay papa at tita Mae ay bumaling na ako sa mga kapatid ko.
"Goodmorning mga kuya" bati ko sakanila with matching wave pa. Kakababa lang din ni kuya herlin na halatang bagong gising pa. Binati din nila ako at nagsimula na kaming kumain
Sa gitna ng aming Pagkain ay nagsalita si papa.
"So anong plano nyo Ngayong araw? Tanong nya saming apat
"Well ako aasikasuhin ko yung mga business natin dad" sabi ni kuya henry
"Ako naman, baka gumala lang kami nina khalix" sabi naman ni kuya herlin
"Baka sumama lang din ako kina kuya herlin" walang Reaksyon na sabi ni kuya hans
"Ikaw princess?" tanong sakin ni daddy. Uhm sa totoo lang hindi ko din alam ang gagawin ko eh. Mag swimming nalang kaya ako! Tama ang tagal ko na din nakakapagswimming eh hihihi
"Magsuswimming lang po papa" nakangiting sabi ko. Excited na ako! Sana pala ininvite ko si Sarrah aish
"Is that so?"nakangiting sabi ni papa. Tumango lang ako at pinagpatuloy ang Pagkain namin. Maya maya ay nagpaalam na saamin si papa at kuya henry kailangan pa daw pumasok ni papa sa opisina si kuya henry naman ay may aasikasuhin pa daw.
Dumeretso nalang ako sa kwarto ko at nahiga sa may kama. Nakakabored pala kapag sabado at linggo. Dati kapag sabado at linggo lang kaming masaya ng mga kaibigan at Pinsan ko aish nakakamiss naman sila, kailan ko kaya ulet sila makikita? Kamusta na kaya si ej. Sa sobrang pag iisip ko hindi ko namalayan na may kumakatok sa pintuan ko
"Sino po yan?" tanong ko.
"Si tita Mae to" sabi ni tita mae agad kong binuksan ang pintuan at nakita ko si tita
"Hello po tita" masiglang bati ko. Ano kaya kailangan ni tita?
"Hello din princess" nakangiting bati sakin ni tita. "Pupunta kasi ako sa mall, kaso wala akong kasama. Pwede mo ba akong samahan?" nakangiting alok nya. Nagliwanag ang mukha ko. Wow mukang mapapadalas ako sa mall ah BWAHAHAHAHAHA
"Oo naman po tita wait lang po magbibihis lang ako" sabi ko at dali daling pumunta sa cr para mabilis. Lumabas na ako sa cr at bumaba na sa hagdan nakita kong ready na din si tita Mae habang nakaupo sa sofa
"Let's go?" Masayang sabi nya. Tumango lang ako at excited na lumabas sa bahay. Nagkwentuhan lang kami ni tita Mae habang nasa byahe. Kaya naman hindi namin namalayan na nasa mall na kami.
At syempre napanganga nanaman ako hahaha banong bano kasi ako dahil ang ganda nanaman ng mall.
"Ang ganda dito" manghang manghang sabi ko. Ang laki din nya kaya for sure maliligaw ka dito
"I know right hihihi. So let's go?" nag iikot lang kami ni tita Mae dahil sabi nya mag shashopping daw kami. Ang daming magagandang damit na binili sakin ni tita Mae mukang mamahalin lahat.
