Chapter 7

34 1 0
                                    

Guilty

HANS POV

Lahat ay nag aalala dahil hindi nila alam kung nasaan si hesa. Naisipan ko munang umakyat sa taas at manood nalang ng tv doon.

Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto ko, ngunit bago ako tuluyang makapasok ay nahagip ng mata ko ang kwarto ni hesa.

Asan ka kaya?

Nanood ako ng tv sa kwarto ko. Hindi ko mapigilang isipin kung nasaan na si hesa. Baka mamaya ay may mangyaring hindi maganda sakanya. Inaamin Kong nag aalala din naman ako sakanya kahit paano, dahil pag nagkataong mapahamak sya ay malalagot si kuya henril. Bagay na ayokong mangyari.

Sa gitna ng aking panonood ay narinig ko na ang ingay sa baba. Kaya naman dali dali Kong pinatay ang tv at agad agad na bumaba, ngunit pababa na ako ng hagdan ng bigla Kong makasalubong si hesa. Namumutla sya at kitang kita sa mga mata nya ang takot. Ano kayang nangyari?

"Pahinga nako" malumanay na sabi nya. Ramdam ko na nanghihina sya. Bakit kaya? Bumaba ako sa kwarto at nakita ko si khalix. Bahagyang nanlaki ang aking mata dahil nakita ko sya. Anong ginagawa nya dito?

"So Ano ngang nangyari pre" Seryosong sabi ni kuya henry. Umupo ako sa tabi ni daddy

"Nung nagpaalam ako kayna henril ay bumalik ako sa school dahil nga may Nakalimutan ako. Pero napansin ko na parang nahingi ng tulong yung babae, nung una hindi ko kilala yung babae. Hindi ko sya namukaan. Dali dali ko silang nilapitan at sinuntok ko ang lalaki. Nagsimula na kaming magsuntukan ng mapaupo ko sya, akma ko na sana syang sisipain ng bigla syang tumakbo palayo. Agad ko namang itinayo ang babae at inakay ito papuntang kotse ko. Huli na ng marealize ko na si hesa pala ito. Hinang hina sya non that time ramdam ko na sobrang natakot po sya" mahabang salaysay ni khalix. Nagsimula namang umiyak si mommy sa tabi ni daddy

"S-so ibig mong Sabihin ay m-muntik na syang ma rape?" nauutal na sabi ni kuya henril

"Yeah dude, at sabi nya simula kanina pa sya nandoon dahil hinihintay ka nya." singhal ni khalix Kay kuya henril. Nalaglag naman ang panga ni kuya henril

"Shit" sabi ni kuya Henry

"Calm down henry" mahinahong sabi ni daddy ngunit bakas pa din sa mukha nya ang lungkot at pag aalala

"Thank you khalix, paano nalang kung hindi ka dumating?" umiiyak na sabi ni mommy

"wala po yon tita" sabi ni khalix. "Oh sya mauna napo ako may pasok papo bukas" sabi ni khalix at yumakap na sya Kay mommy at kinamayan nya naman kami nina daddy

"thank you dude" sabi ni kuya henril. Umalis na si khalix kaya naiwan kami nalang ang naiwan sa sala

"Magpahinga na kayo" sabi ni daddy.

"I'm sorry dad, Sorry mom. And sorry kuya henry" sinserong sabi ni kuya henril. So wala akong sorry ganon

"It's Okey, tapos na din naman" Seryosong sabi ni kuya henry sabay tapik sa balikat ni kuya henril. Hinalikan nya sina mommy at daddy at umakyat na sya sa taas.

"It's not your fault" sabi ni mommy, sabay niyakap si kuya.

"Matulog kana, henril pati na din ikaw hans. Kalimutan nyo nalang yung nangyari, at sana wag ng maulit" sabi no dad at tinapik ang balikat namin ni kuya. Umakyat na sila ni mommy pagkatapos nilang magpaalam saamin. Kami nalang ni kuya ang naiwan sa sala

"Tulog nako kuya" paalam ko sakanya. Tumango lang sya, umakyat na ako sa taas at nagsimula ng matulog.

Pagkagising ko kinaumagahan ay bumaba na ako sa baba upang makapag umagahan. Ng maka baba ako ay gising na si mommy, daddy, at kuya henril. Wala pa si hesa at si kuya henry

The Probinsyana Girl Where stories live. Discover now