chapter: 1

179 1 0
                                    

Buhay sa probinsya

ISAY POV

"TURON KAYO JAN!" sigaw ko. Andito lang naman ako sa amin at nagbebenta ng turon. Sigaw dito sigaw doon, Jan umiikot ang buhay ko. Kailangan magtinda para mabuhay at kumain ng tatlong beses sa isang araw pero kahit maghapon akong magtinda ng turon ay di pa din sapat ang hirap talaga ng buhay!

"isay pabili nga ako" tawag sakin ni aling merlita. Andito kami sa aming probinsya, ang probinsya ng Batangas. Napakaganda dito, sariwa ang hangin hindi tulad ng sa maynila tsaka ang ganda ng tanawin dito ang sasarap din ng mga kapeng barako dito.

"Ilan ho aling merlita" tanong ko, agad akong kumuha ng turon upang maiabot na agad Kay aling merlita. Halos lahat ng tao dito sa aming barangay ay kilala ko na, eh pano ba naman? Halos araw araw akong nag iikot sa aming barangay para magtinda ng turon.

"napakagandang bata talaga nito ni isay" puri saakin ni aling lita. Hindi naman sa pagmamayabang pero ang ganda ko nga hahaha syempre joke lang naman

"nako nako aling lita ang aga agang bola naman ho nan" humalakhak ako. Nagtawanan din ang mga naroroon. Jusko po rude akoy nakipag tsismisan pa sa mga areh

"aba'y hindi kita binobola dyan, sya nga pala Asan ba ga ang iyong Ama?" natigil ako sa pagliligpit ng aking mga turon sa tanong ni aling lita. Sa totoo lang hindi ko kilala ang aking Ama, ang sabi lang saakin ng inay ay iniwan nya kami. Pero hindi ako galit sakanya hahayaan ko muna syang magpaliwanag kapag nagkita na kami balang araw.

"hindi mo pa ga nakikita hanggang ngayon ang iyong Ama ha isay?" tanong ni aling merlita.

"Oho eh, pero hayaan nyo ho makikilala ko din sya balang araw" nakangiting wika ko. Hindi man ngayon, pero pinapangako ko na makikilala ko din sya pagdating ng panahon. Umalis na ako at nagpaalam sakanila kailangan ko pang magbenta ng turon.

Dumaan ang maghapon at sa awa ng dyos ay naubos ko ang mga turon ko. Umuwi na ako sa bahay. Nakikitira lang ako sa tita ko dahil matagal ng pumanaw ang inay.

"tiya Andito na ho ako" bati ko Kay tita. Lumabas sya sa kwarto at sinalubong ako

"kamusta ang benta?"tanong nya

"Okey naman ho" sagot ko. Umupo na ako sa upuan naming kahoy at humiga doon masyado akong napagod dahil na din sa init ng panahon. Ipinikit ko ang mga mata ko. Mamaya namang pahapon ay pupunta ako sa karenderya ni aling Ana upang magtrabaho doon. At sa gabi naman ay kailangan Kong maglaba. Sobrang nakakapagod pero kailangan.

Makalipas ang ilang oras ay may humawak sa aking braso minulat ko ang aking mata at nakita ang aking pinakamamahal na Pinsan.

"Ate isay laro tayo" sabi ni ej at pinakita nya sakin ang luma nyang baril barilan

"Ano bang gusto mong laro ha?"Tanong ko sakanya.

"kunwari ikaw yung zombie tapos babarilin kita" sabi nya. 5 yrs old palang sya, pero ang galing galing na nyang magsalita. Napaka cute nyang bata

"grabe ka naman Kay ate, ako talaga yung zombie?" tanong ko. Tumawa lang sya, aww ang cute talaga nya

Nagsimula na kaming maglaro ni ej, sinunod ko ang gusto nya umarte akong zombie kaya naman tawa ng tawa si ej ng mag alas kwarto na ay dali dali akong naligo at nagbihis upang pumunta na sa karenderya.

"tiya alis na ho ako" sabi Ko. Tumango lang sya at umalis na ako, naglakad lang ako papuntang karenderya malapit lang naman. May mga bumabati saaking mga kakilala syempre binabati ko din sila.

"oh isay San ang lakad mo?"tanong sakin ni jako. Tropa ko sya simula pa ng mga bata kami.

"karenderya" sagot ko. Lumapit na din saakin ang mga katropa Kong lalaki. Nagbabasketball ata sila.

"may laro kame bukas isay baka gusto mo maglaro" sabi ni inggo. Marunong akong magbasketball kaya minsan ay dumadayo ako kasama sila.

"bahala na, ge una na ko baka malate pako" sabi ko. Nagmadali nako dahil baka mapagalitan pako ni aling ana, tumango lang sila at umalis na ako Don. Dumating nako Sa karenderya at naabutan ko Don si bea, isa din sa mga kaibigan ko dito sa aming barangay si bea.

"akala ko wala ka ng balak pumasok" singhal nya sakin. Mainipin talaga ang babaeng to pero mabuti syang kaibigan

"pasensya naman ho madam" tumatawang sabi ko. Agad na akong nagsimulang mgtrabaho

Mabilis lumipas ang oras at ngayon ay pauwi na kami ni bea. Sabay kaming maglakad ni bea malapit lang naman yung bahay nya samin.

"babye bea" sabi ko sakanya ng mapagtanto Kong nasa tapat na kami ng mga bahay namin

"byee" nakangiting sabi ni bea. Pumasok agad ako sa loob at naghanda na para maglaba, sinalubong agad ako ni ej

"ate isay kain na daw" sabi nya. Ginulo ko ang buhok nya at tumulong Kay tiya sa pag aayos ng mesa

"tamang tama ang dating mo isay" sabi saakin ni tita. Ngumiti lang ako at nag ayos na ng hapag kainan. Ng matapos maghain si tita at ako ay kumain na kami nina tita at ej kasama si tito na kagagaling lang sa trabaho.

Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na ako at naglaba na. Mabuti at maunti lamang ang labahin ko. Dumeretso na ako sa aking kwarto at Doon ay nahiga. Nagdasal muna ako, pagkatapos Kong magdasal ay tumingin ako sa taas. Naman na kaya ang tatay ko? May pamilya na kaya syang bago? Bat nya kaya ako iniwan? May mga kapatid ba ako? Magkikita kaya kami? Ang dami Kong tanong sa isip ko. Ma, tulungan mo naman akong makita si papa oh gusto ko lang sana syang makilala. Naramdaman ko ang likido na gumagapang sa pisngi ko, heto nanaman ang mga traydor Kong luha. Pumikit na ako at nag simula ng matulog

Hindi na ako makapaghintay na makilala ka papa......

The Probinsyana Girl Where stories live. Discover now