Family...
ISAY POV
Nag hahanda na ako dahil magsisimba daw kami ngayon. Linggo ng Hapon ngayon, binilisan ko ang pag aayos sa aking sarili. Nag soot lamang ako ng kulay yellow na dress na lagpas hanggang tuhod. Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang itsura ko.
Isang magandang babae na mukang yayamanin ang nakikita ko sa salamin. Malayong malayo sa itsura ko noong nasa probinsya palang ako. Nasaan na ang isay na nagtitinda ng turon sa kanilang baranggay? Si isay na nag tatrabaho sa karindirya ni aling anna tuwing hapon? Yung isay na naglalaba tuwing gabi?
Ngayon ay isang dalaga na anak lang naman sa labas ang kaharap ko. Hindi bagay saakin ang mga mamahaling damit na ito. Mas bagay saaking nasa probinsya dahil iyon naman talaga ang kinalakihan ko.
"Hesa?" sa gitna ng pag aayos ko sa aking sarili narinig ko ang boses ni kuya henry na tinatawag ako
"Po?" tanging sagot ko. Karapatdapat ko pa ba talaga kayong tawaging kuya?
"Ready ka na ba?" nakangiting sabi nya. Ngumiti lang din ako ng pilit sakanya at sinabing bababa na din ako.
Pagkatapos kong tingnan muli ang aking sarili sa salamin ay bumaba na ako, naabutan kong ready na din silang lahat kagaya ko.
"Napaka ganda naman ng prinsesa ko" sabi ni papa at saka lumapit saakin. Ramdam ko na nalukungkot sya at pilit nya lang pinapasigla ang kanyang boses upang walang makahalata na nasasaktan sya.
Inalalayan ako ni papa hanggang makasakay kami sa van. Nasa unahan si mommy mae at papa habang katabi ko naman si kuya henril nasa likod naman namin si kuya hans at si kuya henry
Tahimik lang ang naging byahe. Walang nagsalita saamin, walang bumasag ng katahimikan. Napansin kong sinusulyapan ako ni kuya henril. Makikita sa mga mata nya ang pag aalala sakin. Gusto ko syang harapin at sabihin na okey lang ako at wag na syang mag alala, pero ayaw makisama ng bibig ko. Nanatili lang itong tahimik. Dahil ba hindi pa din ako makamove on sa mga nalaman ko?
"Okey ka lang ba hesa?" tanong nya sakin. Nilingon ko sya at nginitian
"Oonaman" sagot ko
****
Lumipas ang mga oras at nakarating na kami sa simbahan. Pumasok kami doon at sumawsaw sa holy water. Pagkatapos ay naupo na kami sa may bakanteng upuan. Katabi ko si kuya henry at kuya hans, walang misa ngayon dahil nahuli kami sa misa.
Lumipas ang mga oras at napagdesisyunan na namin na lumuhod at magdasal. Naunang lumuhod si papa sumunod naman si mommy mae pati na din sina kuya. Naiwan lang akong nakaupo habang taimtim na silang nagdadasal.
Bago ako lumuhod tumingin muna ako sa altar. At dahan dahang lumuhod at nagdasal ng taimtim
'Sorry po sa mga nagawa kong kasalanan lord, ang dami dami ko ng nagawang kasalanan sainyo. Pero kahit ako pa man po ay makasalanan hindi nyo pa din ako pinapabayaan. Palagi lang po kayong nasa tabi ko para akoy gabayan. Salamat sa pagbibigay ng pamilya saakin panginoon. Kahit nalaman kong anak lang ako sa labas ay nagpapasalamat pa din ako saiyo kasi may mga tao ka pa ding handang tanggapin ako ng buong puso. Kaya lord thank you po sa lahat. Sana po tulungan nyo akong alisin ang natitirang sakit saaking puso lord. At nawa po ay wag nyo po kaming pababayaan. Amen'
Pagkatapos kong mag sign of the cross ay umupo na muli ako. Pinunasan ko ang mga luha na pumatak sa pisngi ko nung nag dadasal ako.
Sana hindi ko nalang nalaman na anak ako sa labas para hindi ko na maramdaman ang sakit. Sobrang sakit kasi eh.