Meet the cousin...
ISAY POV
Nagising ako sa tiktalaok ng manok. Namiss ko ang paggising ko tuwing umaga sa aming probinsya. Bumangon ako ng nakapikit at nagsimula ng mag unat unat ng katawan.
Ng magising na ako ng tuluyan ay tumambad saakin ang tatlong lalaking nagsisiksikan sa tabi ko.
"AHHHHHHHHH" Hindi makapaniwalang sigaw ko. Bakit sila nandito? Teka nananaginip lang ba ako? Sinampal ko ang sarili ko at nakaramdam ako ng sakit. "AHHHHHHH" malakas na irit ko ulit. Mabilis pa sa alaskwatro ng idilat nila ang kanilang mga mata.
"Hesa are you okey?" henry
"What's wrong?" henril
"Aish nakakarindi ang aga aga" hans
Halos maestatwa ako ng isa isa silang bumangon sa banig.
"Aish ang sakit ng likod ko" henril
"Yeah me too" hans
"Ako din ouch" henry
Nilapitan ko naman agad sila ng malaman na masasakit ang kanilang likod
"Anong masakit?" tanong ko
"Likod" sagot ni kuya henril. Aish bakit ba kasi sila andito. Hindi pa man din sila sanay sa banig humiga.
Pinatalikod ko si kuya henril at sinimulan kong imasahe ang likod nya.
"Wow hesa magaling ka palang magmasahe" sabi ni kuya henril
"Ah oo, tinuruan ako dati ng lolo ko" sagot ko
"Huy ako naman sunod hesa ah" sabi naman ni kuya henry, tinanguan ko lang sya. Ng matapos kong imasahe si kuya henril sinunod ko naman si kuya henry.
Panay puri ang lumalabas sa bibig ni kuya henry. Hangang hanga daw sya sakin dahil ang galing kong magmasahe. Natatawa nalang ako sa mga puri nya HAHAHAHA.
Ng matapos naman ako kay kuya henry ay nilingon ko si kuya Hans. Nakatingin lang sya saamin habang nakaupo pa din sa banig
"Bro di ka ba magpapamasahe?" tanong ni kuya henry
"Dude ang galing ni lil sis magmasahe promise di ka mag sisisi" sabi ni kuya henril at umakto pang nanunumpa. Nagtawanan naman kami. Kaya sa huli nagpamasahe din si kuya hans saakin, hindi nya ako pinupuri gaya Nina kuya henry pero sure ako na hangang hanga sya sakin BWAHAHHAHAH
****
"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko sakanila. Nandito kami sa sala ng bahay ni tita at nakaupo yung tatlo sa kahoy naming upuan. Habang ako ay nakapamewang na nakatayo sakanila
"Gusto ka lang naming samahan dito" sagot ni kuya henry
"Eh paano yung pag aaral nyo?" tanong ko.
"Tapos nanamin ang lahat ng projects na pinapagawa, mag aadvance reading nalang kami para makahabol sa mga topics" sagot ni kuya henril
"Alam ba to ni papa at mommy mae?" tanong ko ulit
"Yup" maikling sagot ni kuya hans. Kahit kailan talaga tong si kuya hans napaka sungit!
"Kaya nyo bang magtiis sa banig?" tanong ko.
"Nope" tanging sagot ni kuya hans
"At saan kayo tutulog ha?!" mataray na tanong ko. Choosy pa sila pasalamat nga sila may natutulugan pa sila che
"Meron tayong resort dito sa batangas kaya doon nalang kami tutulog. But don't worry pagkagising namin pupuntahan ka na agad namin" sagot ni kuya henry
"Ano kayo bodyguard ko?!" singhal ko sakanila. Pero sa lahat ng bodyguard sila yung sosyal. Biruin mo natutulog yung bodyguard sa resort habang yung amo nila natutulog sa banig wow
"ang gwapo naman naming bodyguard" nakangising sabi ni kuya henril
"Gusto lang naming malaman yung buhay mo dito hesa kaya sumunod kami sayo" sabi ni kuya henry. Aish ano pa nga bang magagawa ko? Alangan naman ipagtabuyan ko sila diba
"Bahala nga kayo" singhal ko sakanila.
"Wait hindi ka ba masaya na nanditi kami?" malungkot na tanong ni kuya henry
"Syempre masaya ako. Nakakagulat lang, sana kasi sinabi nyo sakin" sabi ko.
"Surprise nga eh" singhal naman ni kuya hans. Napaka sungit talaga neto
"Pero masaya ako dahil nandito kayo" nakangiting sabi ko, lumapit naman sakin si kuya henry at yumakap. Yumakap din si kuya henril, nakatingin kaming lahat kay kuya hans na napaka kj sarap talaga itapon nito sa mars tss
Pero sa huli yumakap din sya kaya naman in the first time in forever, may group hug na kaming apat yieeee.
*****
Kasalukuyan kaming nag hahanda para sa almusal namin ngayong umaga. Nagluluto ako ng pritong itlog at pritong hotdog. Si kuya henry naman ay nag totoasted ng tinapay na may margarine. At ang dalawa ko namang kuya ay nakaupo sa upuam naming kahoy habang nag cecellphone. Sabagay wala naman silang alam sa gawaing bahay eh
Ng matapos kami sa pagluluto ay inayos nanamin ang lamesa, Saktong pagkatapos naming ilagay ang mga pagkain sa mesa ay ang pagbaba nina tita tina sa hagdan.
"ATE ISAY!" masiglang bati sakin ni ej.
"Goodmorning baby ej" bati ko din sakanya sabay kiss sa kanyang pisngi
"Nako, sanay hindi na lamang kayo nag abalang maghanda ng almusal" sabi ni tita tina
"Oonga naman, kayoy aming mga bisita dine" sabi naman ni tito.
"Ay okey lang po tita at tito hehe" sabi ni kuya henry. "Kain napo tayo" nakangiting sabi nya pa.
"Wowww ang daming pagkain!" manghang sabi ni ej. "May itlog, may hotdog, meron ding cornbeef at meron pang tinapay!" Masayang sabi nya.
"kaya kumain ka ng marami ah" nakangiting sabi ni kuya henry
"Salamat kuya gwapo!" sabi ni ej. Tinawag ko na din sina kuya henril at kuya hans para makakain na din sila. Buti na lamang at kasya kami sa mesa hahaha
"Kayo po ba nagluto nito kuya?" tanong ni ej kay kuya henry
"Uhm yung iba ako nagluto" nakangiting sagot nya
"Eh kayo pi mga kuya ano po nili