Not me..
ISAY POV
Happy sunday guys! Mamayang hapon ay sisimba ako! Nag ayos na ako ng sarili ko bago ako Bumaba.
Ng matapos na ako sa pag aayos ay bumaba na ako. Nadatnan ko na kumakain na sina mommy at papa ganon din si kuya herlin at kuya henry
Asan kaya si kuya hans?
"Goodmorning!" masiglang bati ko sakanila. Nginitian nila ako at syempre binati nila ako alangan naman snob lang yung beauty ko diba? Hahahaha
Umupo na ako sa tabi ni kuya herlin at nagsimula na ding kumain. Bakit kaya wala si kuya hans?
"hindi pa ba gising si kuya hans?" tanong ko kay kuya herlin
"Siguro"tanging sagot lang nya. Mabilis natapos ang aming agahan agad akong umakyat sa taas naisipan kong magpahangin sa veranda. Pumunta ako sa veranda ng aming mansyon at nilasap ang hangin
"Fresh air" wala sa sariling sabi ko. Umalis na ako sa veranda at pupunta na sana ako sa kwarto ko ng makasalubong ko si kuya hans
"Goodmorning ku--" hindi pa man din ako tapos magsalita ng putulin na agad ni kuya hans ang sasabihin ko
"Asan ang relo ko?" seryosong sabi ni kuya hans at makikita mo sa mata nya na galit na galit sya
"r-relo? Di ko alam sinasabi mo ku--" hindi pa ulit ako tapos ng putulin nya nanaman ako
"SINUNGALING!" galit na galit na sigaw nya sakin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa nya. At ang sunod na nangyari ay hinawakan nya ang pulso ko at sobrang higpit ng hawak nya dito kaya naman hindi ako makahinga "IBIGAY MO SAKIN YUNG RELO KO!" sigaw nya nanaman sakin. Aling relo ba daw?
"Aray k-kuya nasasaktan ak--" hindi pa ulit ako tapos ng pinutol nya nanaman
"MASASAKTAN KA TALAGA KAPAG HINDI MO BINALIK SAKIN YUNG RELO KO!" gigil na gigil na sabi nya sakin. Sobrang nasasaktan na ako dahil ang higpit ng hawak sakin ni kuya
"HANS!" Sigaw ni kuya henry at akmang lalapit saamin nasa likod nya si kuya herlin
"SHUT UP KUYA WAG KAYONG MANGIALAM!"sigaw ni kuya hans. Nangingilid na ang mga luha ko pero pinipigilan kong tumulo ang mga ito.Mas lalong humigpit ang hawak ni kuya kaya Sobrang nasaktan ako
"K-kuya masakit" sabi ko kay kuya at sunod sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko
"WALA AKONG PAKE, BASTA IBIGAY MO SAKIN YUNG RELO KO!" sigaw sakin ni kuya hans. Ano bang relo? Kanina pa sya relo ng relo
"Ano bang relo ang sinasabi mo kuya? Hindi kita maintindihan" naiyak na sabi ko.
"LIAR!" sigaw nya sa mukha ko. "DIBA DATI GANDANG GANDA KA SA RELO KO DIBA?! TINANONG MO PA NGA AKO KUNG MAHAL YUNG RELO KO TAPOS SABI KO OO MAHAL YON! THEN YESTERDAY NAKITA KITA SA ROOM KO HESA! AT MAY TINATAGO KA! NOW TELL ME, NASAN NA YUNG RELO KO!" galit na galit na sigaw sakin ni kuya hans. Tulo lang ng tulo ang mga luha ko. Bakit nya ko pinagbibintangan?
"Hindi ko a-alam ang s-sinasabi m-mo k-kuya" nanginginig na sabi ko
"HANS ANO BA!" sigaw ni kuya herlin
"I SAID SHUT UP!" sigaw nya kayna kuya ay bumaling ulit sakin. "You know what, napaka sinungaling mo. manang mana ka sa nanay mo" sabi nya. Nalaglag ang panga ko at nagkaroon agad ako ng lakas para itulak sya.
"K-kuya nanay mo din yon! Paano mo nasasabi yan?!" nanghihinang sabi ko. Paano napagsasalitaan ni kuya ng ganyan ang nanay namin?
"Hahahaha" natatawang sabi nya."Seriously?" nakangising tanong nya. "Wala akong nanay na malandi gaya ng nanay mo!" sigaw nya sakin. Dali dali Kong sinampal si kuya. Nagulat sya sa ginawa ko maging ang mga kapatid ko
![](https://img.wattpad.com/cover/137269230-288-k262875.jpg)