SHENAIA’S POV
“Where’re we going?” tanong ko sa kadeal kong inangkin ang lips ko.
“Breakfast” Simple niyang sagot.
“Breakfast? Sana pala sa cafeteria mo nalang ako hinila, nagsasayang ka pa ng gas eh! Alam mo bang, marami ang nagugutom ngayon at walang kapera pera?!” Okay, ang OA at daldal ko. Nahawa na ata ako kay Faith eh.
“Tapos ka na?” Aish… parang gangster lang ah. Ang sungit! Pero Alpha pala to ng fraternity, nakalimutan ko.
“Aish… san bang lupalop ka magbebreakfast ha?!” Medyo inis kong tanong.
“Basta… Tumahimik ka na nga, nung isang araw, di ka naman ganyan ah. Bawas bawasan mo na nga ang pagsama kila Faith. Nahahawa ka na sa kadaldalan eh!” Aish… Siya din naman madaldal ah! Ang haba nga ng sinabi niya! Sige Shenaia! Makipagtalo ka pa sa sarili mo!
“Aish…” sinampa ko nalang ang paa ko sa unahan at pumikit. Tulog na muna ako.
JEFF’S POV
Nilingon ko si Shenaia nung napansin kong masyado nang tahimik.
Bigla naman akong napalunok ng laway sa tumambad saken. Masyado kasi ako kaninang focus sa pagdrive eh! Di ko na tuloy napansin na nakasampa na pala ang paa nito sa harap, revealing her legs! Oh tukso! Layuan mo ako! Baka mabangga kami!
Ayaw ko naman siya gisingin at sawayin kasi panigurado lalagutan ako nito ng hininga. Nakwento na siya saken dati ni Natsume eh. At isa sa mga ayaw niya ang pagistorbo ng tulog niya. Baka lumabas na naman pagka gangster nitong babaeng to.
Nagfocus nalang ulit ako sa pagdadrive and tried my best na wag siya tingnan. Naarouse ako eh.
Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating naren kami sa paborito kong kainan, ang Bistro de Lee. Inaya kasi ako dito ni Natsume nung grade 6 palang kami at simula nun palagi na kong andito.
Nagpark na ako sa parking space na para sa mga customers nila. Ngayon naman, pano ko to gigisingin? And a nasty idea popped out my mind.
SHENAIA’S POV
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may kumikiliti sa pisngi ko. Pagkamulat ko, nakita kong may nagrerape na pala sa pisngi ko.
Sinapok ko nga si Jeff. Pano ba naman, nahuli kong minimake.upan na ko gamit ang marker! Di pala make up, nagdrawing siya ng abstract sa mukha ko. I mean, a three year old’s artwork. Wag nyo nang tanungin pano ko nakita ang artwork niya, kitang kita ko ang mukha kong ginawa niyang sketch pad sa salamin ng bintana -_-
“Linisin mo yang kalat mo kung ayaw mong mabalita ka sa tv na nakitang palutang lutang sa ilog pasig!” Seryoso kong sabi.
BINABASA MO ANG
Gangster Fairy tale: The Gangster Clash over the Fraternity
AbenteuerLove is a Dark Fairytale Happiness often fail Circumstances are extant This is a wish to grant by two hearts that beat as one ♥