Shenaia's POV
"I got my keys back, I got my keys back, I got my keys back" pagchachant ko habang hinahagis hagis ang mga susi ng mga sasakyan ko habang nakatihaya sa kama ko ng nakadekwatro.
Wala ako sa mood makita sina mommy at daddy kaya andito ako ngayon sa kwarto ko, nagkukulong at inaaliw ang sarili para di mabored.
Almost one month ako don sa school na yun ah, at yun na rin ang pinakamatagal this year. Akalain nyo yun, nakatagal ako ng isang buwan dun? At sa loob ng isang buwan na yun, nanahimik ako sa gangster world.
Baka akala nila patay na ako kasi di na ako nagpaparamdam, tiyak nagsasaya na yung mga g*go kong mga kalaban kung ganun.
Tumakas kaya ako ngayon? Check ko lang kung buhay pa ang mga naiwan kong mga miyembro don.
Pero pano na ang pangako ko kay Lola na walang gulo? Tapos ngayon nangako pa ko sa isa ko pang Lola na magpapakabait pa ko lalo at tatapusin ang pag aaral sa next school ko.
Hayyy... buhay parang buhay lang...
Natigil ako sa pagmuni muni ng may kumatok sa bwiset kong pinto. Pati pinto ko ngayon bwiset nadin. -_-
"Bukas yan" wika ko.
"Miss Clein, pinapatawag po kayo ng Dad niyo. Dinner daw po" sabi ni Manang.
"Pakisabi, wala akong gana" sagot ko.
"Pero po sabi po ni Sir at Mam dapat daw po kayong bumaba kasi may pag uusapan pa po kayo"
"Kung sila nalang kaya ang pumunta dito? may sasabihin lang naman pala sila eh"
"Pero Miss--"
"Get the hell out you, dumbass" sigaw ko at binato ko pa siya ng alarm clock.
Agad agad naman siyang tumakbo palabas ng kwarto.
Makatulog na nga lang, maaga pa pero ano pa ba ang gagawin ko, eh wala na naman kaya mas mabuti na lang na matulog na ko.
"Shit!" mura ko nang muntikan na akong matamaan ng shuriken, agad ko naman itong naiwasan kaya daplis lang sa mukha ang inabot ko.
Patuloy parin ang pagliparan ng mga shuriken at kunai papunta sa direksyon ko kaya patuloy pa ako sa pag iwas, napapatalon ako at parang sumasayaw lang sa pag iiwas sa mga shuriken na pwedeng kumitil sa buhay ko.
May nakita ako sa peripheral vision ko habang umiiwas sa mga shuriken at kunai. Patay ka sakeng lapastangan ka.
At sinalo ko ang isang kunai gamit ang isa kong kamay at agarang inatake ang lapastangang gustong burahin ako sa mundo.
"Got yah!" at nilagay ko ang kamay niya sa likod at tinutok ang shuriken sa leeg niya.
Tinaas ko na ang kamay ko para bwelo sa pagsaksak sa kanya nang...
"Miss Clein, gising na po" Napabangon ako sa gulat. putris! mamamatay na yung g*go eh, ginising pa ako. Bwiset!
Babalik na sana ako sa pagkahiga ng mapansin ko na nakaempake ang mga gamit ko kaya bangon ulit ang drama ko with matching nanlalaking mata pa.
"What's the meaning of this? Pinapalayas na ba nila ako? Oh, thank God, makakaalis narin ako sa impyernong to sa wakas!"
Ang saya ko eh noh? pinapalayas na nga, nagdiriwang parin. ganun talaga, matagal ko ng gustong lumayas dito, kung di lang dahil kina Lola. hayy... matagal na akong umalis dito.
"Naku, hindi po ganun miss"
Natigil ako sa pgdiriwang dahil sa sinabi ni manang.
"Huh?" I asked with a curious look.
BINABASA MO ANG
Gangster Fairy tale: The Gangster Clash over the Fraternity
AventuraLove is a Dark Fairytale Happiness often fail Circumstances are extant This is a wish to grant by two hearts that beat as one ♥