Shenaia's POV
"Miss, uy gising! Alis nga diyan sa bench na yan, pwesto ko yan!"
Naalimpungatan ako at tinanggal ang librong nakatalukbong sa mukha ko para harapin ang pangahas na nambulabog ng tulog ko.
"Sh..shena..ia?" Nauutal niyang saad. "Shenaiah, Uhmm sorry, sige alis na ko" Tumalikod na siya para umalis na sana pero bumangon ako at hinawakan ang balikat niya atsaka hinarap saken then...
"Aghh.." Sinikmuraan ko siya. Napasuka pa siya ng dugo at bumagsak.
"She *cough* na *cough* ia sorry *cough* di ko naman alam na ikaw *cough* pala yung natutulog sa bench" Paliwanag niya pero I just looked at him coldly.
All eyes were on us, may iba pang nagbubulong- bulungan.
"Ang sama talaga ng ugali ng gangster na yan, walang awa"_G1
"Oo nga di na nahiya. Naturingan pa namang apo ng nangungunang negosyante sa buong mundo"_G2
Urghh.. nakakainis, ako na nga tong nabulabog, ako pang masama! Pasalamat nga siya, yan lang ang napala niya eh.
"What is happening here?!" Oh, ang dakilang principal nandito na. Grrrr
"You Miss--" di ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Alam ko na naman na tatawagin lang niya ko sa punyeta kong apilyido and that's the thing I hate most.
By the way, gusto niyo malaman kung pano ko siya napatahimik?
Simple lang... Sinuntok ko siya.
Biro lang, plano ko sana nga talagang suntuking siya pero nagpigil ako. I was about to punch him but I held my fist an inch away from his eyes.
Binaba ko na ang kamao ko at naglakad na palayo, leaving them standing, di na nga gumagalaw eh, nasemento ata ang mga paa nila sa lupa.
Uuwi nalang ako, makakatulog pa ko don ng walang istorbo.
Nakalabas naman ako nang school na walang sagabal, pinalabas naman ako nung guard. Pano ba naman natakot sa tingin ko, nanginginig niya ngang binuksan ang gate eh.
Naglakad na ko pauwi, wala akong kotse ngayon at ayaw ko mag taxi, ang bading kaya. Wala namang maglalakas loob na kidnapin o holdapin ako, takot lang nila sa kamao ko.
Pagdating ko naman sa bahay bunganga nina Mommy at Daddy ang sumalubong saken.
"Clein, ano na naman ba ang kabulastugang ginawa mo?"_Mommy
"The principal of your school called, and his trembling. And then again you--" di ko na pinatapos pa sa panenermon si Daddy, tinalikuran ko na sila at sinaksak ang earphones sa tenga ko at diretsong tumungo sa kwarto ko.
Alam ko na naman kung bakit tumawag yung duwag na principal na yun. May iba pa bang dahilan maliban sa salitang "Kick out", at ano bang bago don?
*knock knock*
"Open this door Sheniah Clein Cadan" Kung di ako nagkakamali si Mommy yun at nagcacrack na ang voice niya which means, she's starting to cry.
Alam niyo naman siguro na ayaw na ayaw kong marinig yang punyetang apilyido na yan diba kaya binuksan ko na ang pintuan para harapin sila.
"What do you want now?!" Sigaw ko pagbukas ko mismo ng pinto
"Nak, nakick out ka na naman, I thought nagbago ka na talaga 'cause almost a month na na hindi ka na napapaaway until today and for the 11th time na kick out ka nanaman" sabi ni mommy na nagpipigil ng luha kaya crack siya magsalita.
"Anong pake ko? Eh ayaw ko naman talaga mag aral eh, kayo lang tong mapilit"
"Aba'y sumusobra ka nang bata ka!" at akmang sasampalin na sana ako ni Daddy pero may pumigil sa kanya at hinawakan ang braso niya.
"Stop it! Ako nang bahala sa apo ko" saad ng lola ko sa side ni Mommy.
"Mama, pero..."
"Please"
"Be thankful young lady, were not done yet. You... you... you... good for nothing gangster" at umalis na sina Daddy at Mommy.
"Apo can we talk?" tanong ni Lola.
Pumasok nalang ako sa kwarto ko at umupo sa kama, ganun din naman ang ginawa ni lola.
"Apo, what are you doing with your life? Your wasting everything"
"Lola kung andito ka lang para sermonan ako, you better leave"
"Apo, di ako pumunta dito para sermonan ka. I came here to surprise you but it seems, ako pa ang nasorpresa" sabi niya pero tahimik lang ako.
"Apo I'm not getting any younger, I want to see you happy before anything happen saken" dagdag pa niya na parang malungkot
"Shenaia can you please change? Change your attitude, please Shenaia"
"Lola I'm trying. Di na nga ako sumasali sa mga gang war eh. Lola I'm trying my best. Can't you see?!" halos pasigaw ko nang sagot kay lola.
"That's it, you're just TRYING, why can't you be in your best?"
Napaisip ako sa sinabi ni Lola, she do has a point kaya natahimik na naman ako.
"How about ganito nalang... Do me a favor"
I can't resist my lola kaya pumayag na ako.
"Okay lola, what is it?" tanong ko
"Thank you apo. Simple lang naman ang hihingin ko. All you have to do is to be happy and stay permanently, sa next school na papasukan mo at don ka na rin gagraduate okay?" sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.
Tumango nalang ako as a response. Mahal na mahal ko si Lola, di ko siyang magagawang biguin.
"That's my girl, sige alis na ko. Tuparin mo ang promise mo okay" at hinalikan niya ako sa buhok.
Palabas na siya ng pinto ng magsalita siya ulit.
"Oh! before I forget. Catch!" at may hinagis siya saken. Dahil nga gangster ako, nasalo ko. I took a look at what it is and was surprised sa nahahawakan ko ngayon.
"Lola, are these my car keys?!" masaya kong tanong kay Lola.
"I believe it is. Yan talaga ang pinunta ko dito. Sige alis na ako ha, do your part okay? be happy" at umalis na siyang tuluyan.
Ito ang isa sa mga dahilan kung bat ako naglalakad, wala kasi saken ang mga susi ng mga kotse ko, kinonfiscate kasi ni Lolo.
Buti nalang talaga andyan si Lola. Kaya love na love ko yan eh.
BINABASA MO ANG
Gangster Fairy tale: The Gangster Clash over the Fraternity
AventuraLove is a Dark Fairytale Happiness often fail Circumstances are extant This is a wish to grant by two hearts that beat as one ♥